IT HAS been a long day for Sheena but she managed to come out of work extra early today. Birthday niya ngayon at walang ibang bumati sa kanya bukod kay Santi saka sa tatlong kaibigan. Hindi na niya inaasahan pa na babatiin siya ng kanyang Mama. Nasa iba na kasi ang buong atensyon noon at hindi na sa kanya. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng Inkwell Creatives saka dumiretso sa coffee shop kalapit noon. Buying her self a cake will be a mandatory starting this year. Para lang maramdaman niyang tatanda na naman siyang mag-isa. Ilang beses na ba niya ipagdidiwang ang birthday na mag-isa? It started when her father died. Masaya naman sila noon pero simula nung mawala ang Papa niya, nawala na din ang kanyang Mama. “Good afternoon ma'am! May I take your order now?” Magiliw na salita nung staff na pum