Nanuyo ang lalamunan ni Lyrica nang pagpihit niya palikod ay naroon nga si Morris. Madilim ang mukha nito at nakatiim-bagang. Pinapako siya nito sa ilalim ng matiim nitong mga titig. Parang gusto niyang malusaw dahil sa sobrang lapit nito sa kanya na nalalanghap na niya ang bangong nagmumula sa katawan nito. Why did he have to smell so good? It wasn’t good for her sanity. Hindi siya makapag-isip nang matuwid. Nahihilo siya. Kung umarte kaya siyang nahimatay? Nang sa ganoon ay mapilitan itong pangkuhin siya at hindi na rin niya kailangang salubungin ang mga nagdududa nitong tingin. His lips formed a stern line. Kuminang ang sarkastikong kislap sa mga mata nitong kasing-itim ng kalangitang walang bituin sa gabi. “Don’t even act like you’re about to faint. Hindi kita sasaluhin.” Bumukas-sa