CHAPTER 21

2048 Words

Pumasok siya sa loob ng kuwarto ni Morris matapos siya nitong bigyan ng pahintulot na gawin iyon. Tiyak ang mga hakbang niya palapit dito at huminto nang nasa tapat na siya ng malapad na mesa ng binata. Narinig niya ang tunog ng kuwago ni Morris. Alam niyang dinadala nito ang kuwago sa loob ng silid nito. Lalo tuloy siyang nangulila sa alaga niyang pusa. Ang totoo ay hindi lang si Meowington ang nami-miss niya. Mas inaasam niyang makasama na ulit ang lola niya at ang tiyuhin niya. “I have news about your grandmother,” wika nito. Tumuwid ang linya ng balikat niya. Iyon ang balitang hinihintay niya araw-araw. “K-kumusta na po ang lola ko?” tanong niya kahit hindi pa siya nito binibigyang permiso na magsalita. Ito naman ang unang kumausap sa kanya. Hindi naman ito nagagalit na nagsasalita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD