Hindi siya makafocus sa huling subject niya at kahit sa isang subject niya pa pagkatapos ng Breaktime.
Kanina'y masamang masama ang pinupukol na tingin sakanya ni Hades at katulad ng nakagisnan ay katabi ito ng table nila.
Saglit lang din kumain ang lalaki at parang padabog pang lumabas ng cafeteria na hindi inaalintana ang mga nababangga na mapababae man o lalaki.
Nakita niya rin ang tingin ng mga kaibigan ng binata habang papalabas ito ng cafeteria na panaka-nakang nagtataka at umiiling sabay tingin sakanya.
She frowned and glanced at them.
At mas nagulat siya nang makita si Theo na nakatingin sakanya sabay wagayway nito sa hintuturo nito na ang pinapahintulot ay lagot daw siya, kaya't nanlalaki ang matang inirapan niya ito.
Tarantado...
Alas cinco ang tapos ng klase nila at nang sulyapan ang orasang malaki sa taas ng white board nila'y three minutes nalang bago mag alas cinco.
Iniisip niya rin ang pakikipagkita kay Hades sa likod, nacucurious din kase siya sa sasabihin ng lalaki.
Naiinis padin siya sa nakita kanina, kaya tutuparin niya ang sinabi na di niya sisiputin ang binata.
Pero pa'no kung magaantay 'yon do'n ng matagal? kawawa naman 'to kung paghihintayin niya lamang.
Napilig niya ang ulo nang tuluyang tumunog ang bell.
"Okey class dismiss, Goodbye class". their Professor said and went out completely.
"Tara na prenny, gagawa pa ko ng step para sa tiklos natin bukas". sabi ni Mica sakanya na sinuot na ang bag, gano'n na rin ang ginawa niya.
"Naka baro't saya tayo diba?". tanong pa ni Gemma na agad kong tinangunan
Sa gano'ng pag-uusap ay patuloy pading lumilipad ang isip niya kay Hades na baka nag-aantay na ngayon sakanya.
Tuloy-tuloy sila sa Gate ng University upang lumabas na.
Unti nalang din ang estudyante na nakikita niya na malamang ay nagsiuwian na rin.
Wala sa sariling agad kong inihinto ang pag hakbang ko at ganun din ang ginawa ng mga kaibigan niya sabay tingin sakanya.
"Bakit Namy?". tanong ni Donald
"I think I forgot something in our room." pagsisinungaling ko
"Una na kayo, magtratricycle naman ako e." sabi ko pa at ngumiti
"Edi antayin ka nalang namin." Gemma
"Wag na, may dadalhin pa ko sa Faculty kase may itatanong pa ko sa isang Prof. natin".pagsisinungaling ko ulit
Nagtataka man ay tumango nalang ang tatlo.
"Ingat ka prenny". sabi pa ng mga 'to at tuluyan nang umalis.
Nang mawala na ito sa paningin niya'y mabilis niyang tinungo ang likod ng University.
Maliwanag pa naman unti dahil alas-cinco pa lamang at may mga nakatayong ilaw din sa daan papunta sa likod ng University
Nang makita niya ang puno ng mangga ay agad niyang nilapitan 'to ngunit hindi pa siya tuluyang nakakalalit ay nahinto ang paghakbang niya nang makita si Rica sa likod ng puno ng mangga.
She frowned as she stare at her
Narinig niyang may kausap ito, kaya inaninag niya pa lalo kung sino iyon.
Ngunit parang umatras ang hakbang niya nang makita kung sino ang kausap ng babae.
Walang iba kundi si Hades.
Si Hades na hawak hawak ang kamay ni Rica at makikita ang malawak na ngiti nito sa babae.
Hindi niya alam kung bakit parang may kung anong tumarak sa dibdib niya at hindi niya rin alam kung bakit siya nakakaramdam ng sakit at kirot.
Pinaglalaruan lang ba siya ng lalaki? Or she assumed for what this man showed to her.
Is she starting to expect something with this guy?
Siguro'y kailangan na nga niya talagang iwasan ang lalaking ito, ayaw na niyang dugtungan pa ang nararamdaman.
Agad niyang nilisan ang lugar, ayaw na niyang masaksihan ang mga susunod na gagawin ng dalawa.
Pipilitin niyang hindi sila magtagpo ng lalaki at kahit tingin ay hindi na rin niya gagawin.
"Namy may susuotin kana ba for Rica's Party?". tanong sakanya ni Gemma mula sa linya
She closed his eyes and sighed.
Hanggang ngayon ay naiisip niya padin ang nangyare kanina.
Nasasaktan siya sa isiping magkasama ang dalawa at kung ano na ang ginagawa nito ngayon.
What is she going to do?
She's afraid of what will happen next...
Between her and Hades..
"What if I'm in love?". anas ko na hindi na inalintana ang nasa kabilang linya
"What?!!!". biglang sigaw ni Gemma na nagmumula sa linya ng tawag niya
Fuck.
Agad siyang napadilat sa taranta at natutop ang sariling bibig.
Anong sasabihin niya sa kaibigan, tungkol sa nasabi niyang iyon?!
Bawal nitong malaman ang tungkol sa kanila ni Hades dahil baka kaawaan lang siya nito at pagtawanan sa mga binitawang panlalait laban sa binata.
"Legit ba te? kanino naman?." tanong pa ng kabilang linya
"A-ahh hindi no, may nabasa lang ako." pagsisinungaling ko habang ramdam ang namumuong pawis sa noo dahil sa kaba
"Baka may tinatago kana samin Persephone ha?!". bulyaw na nito sakanya na parang nanay niya ito
"Umayos-ayos ka lang, kailangan mong ibulong samin yan!". sabi pa ni Gemma
"Wala no! sige na, balik na tayo sa gown." mabilis kong sagot at sinulyapan ang manekin na may suot na kulay puting mahabang gown sa harap niya na hapit na hapit sa katawan ng manekin na offshoulder ang manggas ngunit sa kanang bahagi lamang nito ang may manggas.
Sa kaliwa ay wala dahil parang tube ang kabilang bahagi nito na hapit na hapit sa dibdib niya at kapansin pansin din ang slit nito sa kaliwang hita ng manekin.
May kasama itong white mask na napapaligiran ng diamond props at hibla-hibla na white feather sa kaliwang bahagi ng mask habang andun din ang three inch white high heels niya sa lapag.
So how does she looks like while wearing it?
Iyon ang binili ng mommy niya sakanya dahil nabanggit niya ang tungkol sa pagpunta niya sa birthday party ng isang classmates.
Bagay naman sa party ang suot niya kahit all in all white siya dahil any color naman ang mga theme color ng birthday party ng babae base sa nakalagay sa invitation card nito.
"So te maganda ba?." tanong ng nasa linya
"Ya, maganda naman, how about you? anong color ng sayo?." tanong niya rin sa kaibigan
"Purple ang akin prenny fitted din." sabi ng nasa linya
"Wow! too soft, tawag pansin ha". pagbibiro niya
"Malamang ay alam ko na kung para kanino". nakangiting sabi ko pa
"Para sa mga babaero na yun". sabi ko pa
Napailing siya sa isiping nilalait niya ang mga 'to ngunit panay naman ang pag-iisip niya sa isang miyembro ng mga kalalakihan na 'yon.
"Well, need magpapansin para mapansin". sabi pa ni Gemma na ikinailing niya
"By the way? anong sabi ni Mica? anong color ng gown ng babaeng 'yon?." Isaid as I lay on my bed.
"If I'm not wrong, it's color blue?."Gemma said on the line
"Feeling Cinderella nanaman ang gaga". dugtong pa ni Gemma at humagikgik
"Sana lang ay mahanap na niya yung Prince Charming niya".I smiled
"Si Donald pala may susuotin na rin, bye na muna kausapin ko lang." paalam ni Gemma at tuluyan nang binaba ang linya
Tuluyan na din siyang natulala sa kisameng kaharap niya.
Sa sabado na ang party at sa totoo lang ay ayaw niyang pumunta dahil baka nakakaistorbo lang siya sa pakikipaglandian ng dalawa pero kailangan niyang pumunta upang ipakita man lang sa binata na wala lang ito para sakanya.
"Avoid him Namy." sabi ko sa sarili at tuluyan nang ipinikit ang sariling mata.
Biyernes nang kasaluyang silang nag-aayos sa Female Restroom ng University.
Kailangan na kase nilang magperform ng tiklos dance sa PE subject kaya mga naka baro't saya sila ngayon.
"I'm so excited sa darating na birthday party ni Rica! sana'y may makasayaw man lang ako na isa sa mga Knight!". tili ni Mica habang naglalagay ng kolorete sa mukha
Nasa harap kase sila ng malaking salamin ng Restroom habang nag-aayos.
Naka baro't saya siya na ang design ng palda ay checkered red white and yellow na ganun din ang nakasabit na tela sa balikat at ang scarf sa ulo niya at ang baro na pang-itaas niya.
Gano'n din ang mga kaibigan ngunit floral ang design ng baro't saya ng mga ito na bumagay din sa mga kaibigan.
Naglagay lamang siya ng liptint sa labi at pinatungan ng glossy liptint para hindi mamalat.
Sa paglalandian ng dalawa sa salamin ay di siya naimik patuloy lamang niyang sinusuklay ang mahabang itim na itim na buhok.
Hanggang sa may pumasok na dalawang estudyante na ngiting ngiti, kaya natahimik na ang dalawang kaibigan.
"Sa tingin mo ba? may relasyon si Ms. Santos at Hades ng Knight?." rinig niyang tanong ng isang estudyante sa kasama nito
Agad namang nagtinginan ang dalawang kaibigan na kitang kita ang pagkagulat sa mukha sa narinig at maski siya ay gano'n din, kahit pa may alam na siya sa mga ito.
"Nakita ko kase siya nakaraan kasama niya si Rica sa likod ng University sila galing."
"Talaga?! kaya siguro ininvite niya ang KGG sa party niya e."
"Bagay naman sila ano?."
"Huy, hinaan mo lang ang boses mo". sabi pa ng isa na tumingin sa kanila at nahihiyang ngumiti
"Halika na nga! ang ingay mo."
Tuluyang nakalabas ang dalawang estudyante at ito nanaman ang pakiramdam niya na parang nadudurog siya.
Hindi na rin niya maintindihan ang sarili, muli nanaman siyang parang nalantang gulay.
Now, all she wants to say that this is love...
And she really hate it....
"Totoo ba yun?." tanong ni Mica kay Gemma at tumingin din sakanya ngunit kumibit balikat lamang siya
"Nonsense, malabo no!."
"Tangina si Hades?! magkakagusto sa hambog at spoiled brat na yun?!." si Gemma na umiling
"That witch?! Tengena niya! nagjojoke ba sila?!". sabi pa nito
"Kinilabutan ako bigla sa chismis na 'yon ah! Tara na nga!".si Mica umiling din
Mukhang hindi naniniwala ang mga kaibigan, pero alam niya sa sarili na totoo iyon dahil nakita mismo ng dalawang mata niya.
She must avoid him....
Pagpasok nila sa Gym ay nakita agad niya ang sariling mga kaklase, mga naka baro't saya narin ang mga babae habang naka working costume ang mga lalaki o naka longpants and a long, loose shirt na may red scarf sa leeg.
Nilingon niya pa ang ibang tao sa gym...... at saka niya lang napagtanto ang Knight na nakaupo malapit sa kinalalagyan ng mga kaklase nila, mga naka jersey sila na mukhang kakatapos lang mag basketball.
Ngunit ang mas lalo niyang lang ikinagulat dahil nakatingin ang mga ito sa direksyon niya.
Maging si Hades na masama nanaman ang tingin sakanya habang bumubulong bulong pa ang mga kasama nito sa binata sabay ngisi sakanya.
She rolled my eyes, sabay tingin sa direksyon nila Donald na ngiting ngiting papalapit ngayon sakanya, pagkalapit na pagkalapit nito'y inakbayan agad siya ng binata.
"Ganda." puri nito sakanya
"Layuan mo nga ako Andres Bonifacio." sita ko sa lalaki at hinawi ang braso nito
"Andres Bonifacio na pagod." si Gemma na humagikgik pa
Nagtuloy-tuloy na kong pumunta sa mga kaklase ko at hindi na muling tinapunan ng tingin ang Knight kahit nasa tabi lang ito ng kinaroroonan niya.
"Okey Class! Tourism students, you may go to your formation para malaman ko kung ready na ang lahat." sigaw ng Prof. nila sa unahan
Ramdam na ramdam ko ang presensya ni Hades sa gilid at kailangan niyang masanay sa ganun para hindi na siya nakakaramdam ng pagkailang sa binata.
"Pa'no ba yan binibining Namy? ako ang partner mo ngayon." sabi sakanya ni Donald na hinawakan pa ang kamay niya
"Yah and this my nightmare." pagtataray ko
"Grabe ka naman!".
"Tsk! Keep your mouth shut please, nabwibwiset ako ngayon." Iritang sabi niya at nagtungo na sa formation nila. Hila-hila si Donald at mukhang malapit ngang talaga kami sa kinaroroonan nila Hades
Nagtaka siya nang makitang namumula si Donald at nang makita niya ang dahilan ay agad niyang kinalas ang kamay niya sa kamay nito.
Namumula ito dahil sa paghawak niya sa kamay nito nang hilain niya 'to.
"Gago!".malutong na mura niya dito pero pabulong
"Hala! Dalagang pilipina na nagmumura."Donald na natutop ang bibig
"Ngayon lang ako nakakita ng nagmumurang naka filipiñana." natatawang sabi ni Donald na sa puntong iyon ay nangingiting nakatingin siya sa lalaki at hinampas ito sa braso
"Tama kana!".saway niya pa at humarap na sa unahan
Nakita niyang nasa unahan niya si Rica at ang partner nito at nakangiting lumingon pa sa mga Knight na nasa gilid lang namin ni Donald.
Muli siyang bumusangot sa isiping nandito si Rica at pinapanood ito ni Hades.
"Okey class, be ready dahil iplaplay ko nalang bigla ang music".Professor
Sabay sabay silang humarap sa partner nila, nasa kanan niya si Donald habang siya ay nasa kaliwa kaya si Donald ang mas malapit sa Knight at nang humarap siya dito'y naaninag niyang mas lalo si Hades, si Hades na nakatingin padin sakanya?
Unti-unting naghinang ang mga mata nila at tanging pagtataka lamang ang makikita niya sa mukha ni Hades habang kunot na kunot ang noo nito kaya't agad niyang binawi ang tingin
Inilipat niya ang tingin kay Donald na nasa harap niya sabay sila'y ng matatamis niyang ngiti para sa ka-partner.
Hanggang sa natapos ang sayaw nila'y hindi na niya tinignang muli si Hades kahit ramdam na ramdam niya ang presensya nito sa tabi ni Donald.
Pumalakpak ang bawat isa sa pinakitang pagganap at maski siya ay ganun din na sa tuwa'y nayakap niya pa si Donald na agad naman niyang naikala.
Hindi niya sinasadyang mapadako ang tingin kay Hades na nasa likod ngayon ni Donald.
His jaw tightened while one of his palms was clenched.
His eyes were burning with anger.
Binawi niya ang tingin nang marinig ang bell hudyat na tapos na ang klase.
"Tara sa cafeteria". sabi ko na hinila si Donald