"Bro calm yourself."
"Ya, mas magandang kausapin mo siya ng maayos."
Tinapik-tapik ng mga kaibigan ang balikat niya habang sinasabi ang mga iyon.
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya sinipot ng babae at kung bakit bigla nalang siya nitong iniiwasan.
Nakita niyang papalapit sa kanila si Rica habang ngiting ngiti itong nakatingin sakanya.
"Hi Hades! Tara sabay tayong mag break!." sabi nito na ikinawit agad ang braso sa braso niya
Agad niyang tinanggal iyon at tumingin sa babae.
"Hindi na, pwede kanang mauna dun Ms.Santos." pagtanggi ko dito
"A-Ahh sige." sabi nito kaya't nagtatakang man ay tuluyan na itong umalis
"Goodluck kay Namy bro, mukhang pinagkakalat kase ng Rica na 'yan na may relasyon kayo."si Theo na umiiling pa na agad niyang nilingon.
"The hell! Relationship with her? Me?!". sabi ko na hindi makapaniwala
"Kaya ka siguro iniiwasan ni Namy e, kala ko pa naman nagbago kana." natatawang sabat naman ni Kaiden
"What are you talking about?! Wala kaming relasyon ng babae na yun!."
"That's just a part of my plan bro! and you knew about that!." Iritang sabi ko na sa inis ay umalis na rin ng Court
Naririnig niya naman ang mga panaka-nakang tawa ng mga kaibigan na nakasunod sa likod niya.
Nang makarating na sa Cafeteria ay hinanap agad ng paningin niya sila Namy na agad naman niyang nakita.
Masaya itong nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan habang sinusubuan si Donald?!
What the hell?!
Nakita niyang papasok na ng Cafeteria sila Hades kaya agad niyang nilingon ang mga kaibigan.
"AHAHAHHAA!"halakhak ko kahit walang nakakatuwa
"Tumawa kayo".Utos ko sa tatlo
"Ha?".Si Mica na napangiwi sa sinabi niya
"Ang sabi ko'y tumawa kayo!."Tumatawang sabi ko na hinampas pa sa braso si Donald na nagtataka din
Agad namang sumunod ang mga kaibigan niya, tumatawa ang mga ito kahit wala silang pinaguusap na nakakatuwa.
Agad siyang sumandok sa soup niya at inabot yun sa nagtatakang patawa-tawang si Donald
"Ahh!". nakangiti pading utos ko kay Donald na agad naman nitong isinubo iyon
"Namy anong meron?HAHAHAHA". pekeng tawa ni Gemma sakin habang nangungunot ang noo
"Parang kani-kanina lang malungkot ka ah?". sabi din ni Donald habang nagtatakang nakangiti sakanya
"Basta tumawa nalang kayo." sabi ko na nakangiti padin
"Masarap ba Andres Bonifacio?."
"Ay I mean Donald?." sabi ko pa na pinisil ang pisngi ni Donald
"Namy pwede na bang tumigil? sakit na ng panga ko e." ani ni Mica na hindi na nakangiti kundi nakangiwi
Sinulyapan niya muna si Hades na kanina'y nakita niyang papasok at hindi niya alam kung nahuli siya nitong nakatingin dito kaya't pilit niyang pinatawa ang mga kaibigan para umaktong may pinaguusapan sila.
Nang makitang nakaupo na ang lalaki at nakikipagusap na sa sariling mga kaibigan nito'y tuluyan na siyang napanatag.
"Sige na, tama na ang tawa." ani ko na umiling
"Oh ngayon pinapahinto mo kami?."nagtataka pang sabi ni Gemma
"Para ka nanamang malungkot na tuta diyan na hindi nabigyan ng pagkain Namy". pang-aasar pa sakanya ni Donald dahil humahaba nanaman ang nguso niya sa pagbusangot
Agad namang nagsisunuran ang mga kaibigan sa sinabi niya nang bigyan nya ng isang masamang tingin ang mga 'to.
"Ito na nga e." ani ni Donald na tuluyan nang nawala ang ngiti
"Ano bang meron at bigla mo nalang kaming pinapatawa?." Mica
"Sobra na 'yang mood swing mo be ha, pacheck up ka na."
"Ginawa niyo pa kong baliw! wala 'yon!." tanging sagot ko habang pinipigilan ang tawa
"Namy muntik nang mag lock ang panga namin sa kakatawa tas wala lang pala?". ngiwi ni Gemma habang nakatingin sakanya
"Naglolock amputa, ano ka adik?." si Donald na umiling
Gemma glared.
"Kayong mga babae talaga ang hirap niyong intindihin!." umiiling na sabi ni Donald at isa-isa silang pinagkukutusan sa ulo
Sabay-sabay din nilang hinawakan ang ulo at nakangiwing tinignan ang kaibigang lalaki.
"Valdez!." asik ni Gemma
Parang nabigla naman 'to kaya't naitaas nito ang dalawang kamay bilang pagsuko.
-
-
Hanggang sa maguwian ay hindi na niya tinangka pang tignan nang matagal si Hades.
Nang magkasalubong sila sa hallway dahil may pinapakuha ang professor niya sa faculty ay narinig niyang tinawag sya nito pero hindi niya ito pinansin
Nagtuloy-tuloy lang siya sa paghakbang papalayo sa binata.
Kahit nang makita nila ito sa hallway nang uwian ay di na niya ito tinignan, mas pinili nalang nyang iyuko ang ulo niya kesa mag tama ang mga tingin nila ng binata.
Paglabas nya sa sariling banyo ay agad niyang ipinatuyo ang sariling buhok gamit ang hair blower at nang matuyo na ay tuluyan na nyang ibinagsak ang pagod na katawan sa sariling kama.
Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata upang matulog dahil bukas ay makikita nanaman niya ito sa party.
Sana lang ay layuan mo na rin ako Hades....
-
-
-
"Excited na ko!". hiyaw ni Mica na tinignan pa ang sarili sa harap ng salamin nitong bilog na hawak hawak nito.
"Kahit anong pagpapaganda mo Mica, nakamaskara tayo kaya matatakpan din 'yan." kontra ni Donald kay Mica na ibinaba na ang bilog na salamin sabay simangot
"Che!".
Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan, sasakyan daw iyon ng tito ni Donald, ipinahiram lamang sa lalaki dahil nga sa okasyon.
Tamang tama naman dahil apat silang lahat sa loob ng kotse, nandito sila sa backseat ni Gemma habang si Mica ay nasa passenger seat na katabi ng nagdradrive na si Donald.
Sinulyapan niya ang orasan na nasa braso niya. It's 6:50 pm already at mukhang tama lang ang pagpunta nila dahil 7o'clock daw ang umpisa ng party.
Maya-maya lang ay nakarating na sila sa mansiyon nila Rica at nang makapagpark ay agad na silang lumabas ng sasakyan.
Sa mismong motor court gaganapin ang party kaya't nasa labas pa lamang sila ng malaking gate ay rinig na rinig na nila ang tugtugan at ang mga boses ng mga taong kasalukuyang nasa loob na.
Agad na nga nilang isinuot ang mga maskara nila at tuluyan nang pumasok sa loob.
"You're so pretty, Prenny." rinig niyang bulong ni Gemma sakanya at ngumiti
Agad niyang ginantihan ito ng ngiti at umiling
"Go! find your prince!." bawi kong bulong sa dalawa
Pagpasok na pagpasok namin ay agad na ang paghinto ng tingin sa kanila ng mga bisita roon, halos lahat ata ay andun na, lalo na't maguumpisa na ang party.
Ngunit siya lamang ang all in all color white dahil ang lahat ay iba iba ang kulay ng damit.
Lahat ay natuon ang tingin sakanya, katulad nila'y mga nakamaskara ang mga ito.
Sa isang bakanteng mesa ay apat silang naupo habang nakamasid padin sa paligid hanggang sa may mahagip siya na isang mga kalalakihan na katabi lamang ng table nila.
"Yung Knight nasa tabi lang ng table natin!." rinig niyang bulong nila Mica
Prenteng nakaupo ang mga ito, suot-suot ang mga eleganteng casual suit ng mga ito at mga nakamaskara din tulad nila.
Inisa-isa niya ang mga binata ngunit nabigla siya nang paglipat ng tingin sa isa sa mga Knight dahil nakatingin na ang isa sakanya, si Hades!
Hindi man niya nakikita ang mukha nito'y lalo na't medyo madilim at may maskara pa, ngunit kilala niya ang anyo ng binata at hindi siya nagkakamali roon.
Naka-white casual suit ito habang bakat na bakat ang makisig na pangangatawan sa white longsleeve polo nito na pangloob.
Ngunit ang kulay ng mask nito ay magkabilaan, half white at half gold.
Ganun din ang mga feather nito habang may mga kinikinang kinang pa na mga design sa maskara ng binata.
Agad niyang binawi ang tingin sa binata, hindi niya mabasa ang iniisip nito lalo na't sa nakatakip na maskara sa half face ng binata.
Couple Clothes.... again?