"Your mom's cookies is still better," I rolled my eyes after Antalia said it. Ang arte niya. Gumawa na nga ako ng survey para malaman kung okay na ba ang lasa pero ito parang hindi pa rin satisfied. "I put a lot of effort making that," saad ko at naupo sa big bean bag chair na nasa harapan niya. Habang ito naman ay prenteng nakaupo sa kama nito. "Your effort did not beat your mom's cookies," maarteng saad nito bago muling kumagat sa cookies na hawak. "Thank you. " I sneered at her. "I didn't say your cookies is bad, its not just as good as your mom's," anito na tuloy-tuloy ang kain. Itinirik ko na lang ang mata ko dahil sa sinabi nito. Alam ko naman na hindi ako kasing galing ni mama pagdating sa pagbe-bake. Pero kahit papaano alam ko may talent ako sa baking. Masyado lang talaga m