Kinagabihan bago matulog ay tinawagan ko si Gail. Kanina pa ako kating-kating tawagan siya pero alam kong nasa trabaho siya kaya ayaw ko munang abalahin. May gusto akong itanong sa kanya na dapat noong una pa lang ay tinanong ko na pero dahil clouded ako ng selos ko ay nakalimutan ko nang alamin. Mabilis naman itong sumagot sa tawag ko. "Yes, my dear?" bungad nito sa akin. "You remember the photo you sent to me?" mabilis na tanong ko sa kanya. It was her who sent me the photo of Alejandro and Maliya. "You mean the one I sent weeks ago? Bakit late naman yata masyado ang reaksyon mo? Ang tagal nagloading sayo?" Umikot ang mata ko dahil sa tanong nito. Masyado kong dinibdib e. Kaya hindi ko na natanong sa kanya ang tungkol doon. Para sa akin sapat na ang nakita ko. Pero ngayon nagugu