Chapter 8

1521 Words
“Ano na naman ang kalokohang ginawa mo kanina? Akala mo ba hindi makakarating sa akin ang ginawa mo? Mr. Trinidad told me everything.” Napansimangot ako nang banggitinin niya ang pangalan ng dating P.E. professor ko. “You are already, twenty-nine Katarina pero nakipagsabunutan ka pa sa mga estudyante. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Ang tanda-tanda mo na!” Hinilot nito ang ulo habang yamot na yamot na tumingin sa akin. Niluwagan niya ang necktie bago naupo sa sofa. Akala ko hindi na makakarating kay Papa ang nangyari kanina dahil nga naki-usap naman ako kay Ninang na huwag nang sabihin dito pero si Sir Trinidad naman pala ang pagsusumbong. Nakalimutan ko close nga pala sila ni Papa at siya pa mismo ang nakahuli sa amin kanina. Pagdating ni Papa galing school, pinasalubungan agad niya ako ng galit niya. Nasa pinto pa nga lang siya kanina ay naririnig ko nang hinaha ao niya ako kaya agad akong lumapit sa kanya. “Katarina? Nakipag-away kana naman? Kaya ba ang tagal mong bumalik kanina?” Maging si mama ay tila biglang na-stress. Hindi makapaniwalang nakatingin siya sa akin. Naniningkit na rin ang mga mata niya. Siguro kung kuto lang ako tiniris na niya ako. “Hindi naman ako ang nagsimula. Sila ang—” “Kahit hindi ikaw ang nagsimula dapat hindi mo na pinatulan pa. Matanda kana. Hindi kana bata na pwedeng makipag-away kung kailan mo gusto.” Lumalabas na ang mga litid ni papa sa leeg. Medyo namumula na rin ang mukha nito. Yumuko na lang ako. Para iwasan ang nagbabagang tingin ni Papa. Alam ko naman na may kasalanan din talaga ako. Dapat hindi ko na pinatulan ang mga clown na iyon pero mas pinili kong makipagbardagulan sa kanila kaya ngayon nasesermunan ako. “Matanda kana, Katarina. Kung ayaw mong humanap ng matinong trabaho. Iwasan mo na lang maging sakit ng ulo.” Maging si mama ay parang gusto na ring pilipitin ang leeg ko. "O kaya mag-asawa kana baka kapag may pamilya ka na maging matured kana." "Ma naman." “Sa dami ng lugar na gagawa ka ng gulo sa loob pa ng unibersidad. Nakakahiya ka!” Tumayo si papa mula sa pagkakaupo niya. Bumaling siya kay mama. “Pagsabihan mo iyang anak mo, Teresa. Tumatandang paurong.” Iiling-iling na nagtungo ito sa second floor. Matatalim na mga tingin ang ibinato sa akin ni Mama ng tuluyan ng makaalis si papa. Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at piglang hinila ang tainga ko. “Ma! Aray, masakit!” Mas lalo pa niyang hinila kaya napasunod ang ulo ko. “Inutusan lang kitang magdala ng lunch sa papa tapos malalaman namin nakipag-away kana.” Binitiwan nito ang tenga ko at muling naupo. Hinimas ko ang taingang piningot niya. Pakiramdam ko mapipigtas na ito. Sinamaan ko siya ng tingin pero bigla akong ngumiti nang panlakihan niya ako ng mga mata. “Ma, sorry na. Promise hindi na mauulit.” “Elementary ka pa lang naririnig ko na ang linyang iyan sayo. Bakit hindi ka na lang mag-asawa ng mawalan na ako ng sakit ng ulo?” “Ma!” Tumaas yata lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa sinabi niya. “Hindi sagot ang pag-aasawa sa lahat ng problema,” madamdaming wika ko. Hinayaan niya ako na babatuhin ng figurine na nasa ibabaw ng center table pero binaba rin naman niya agad iyon. “Tantanan mo ako, Katarina. Dahil kapag naulit pa talaga ito. Itakwil na kita. Daig ka pa ng mga bunso mo. Tigilan mo na ang pagiging sakit ng ulo. Ayusin mo na ang buhay mo, hindi habang buhay pwedeng maging ganyan ka. Wala kana ngang matinobg trabaho, puro problema pa ang dala mo. Stop acting like a kid. Dapat sa edad mong ito may nasabi kana sa buhay pero hanggang ngayon tambay ka pa rin dito sa bahay. Kailan ka ba matatauhan na hindi kana pabata? Kailan ka kikilos kapag uugod-ugod kana?” Iniwan rin ako nito matapos sabihin iyon. Naiwan akong mag-isa sa sala. I tried to smile. Sanay na ako sa masasakit na salitang natatanggap ko sa pamilya ko. Manhid na nga ako e. Alam ko matigas ang ulo ko minsan, pero kapag nagpapaliwanag ako. Kahit minsan hindi naman nila ako pinakinggan. Para sa mata nila, ako lagi ang may kasalanan. Pasaway, matigas ang ulo, walang plano sa buhay at kung ano-ano pa. May trabaho naman ako, hidni ko nga lang masabi sa kanila dahil alam kong hindi sila suportado sa ginagawa ko paano pa kaya kapag nalaman nila kung anong klaseng writer ako? IMedyo malaki rin ang kinikita ko dahil sikat ang mga gawa ko. Iyon nga lang hindi nila alam na ako ang writer ng mga akda ko dahil kahit kailan hindi ako umaattend sa mga book signing. Gusto kong manatiling pribado ang buhay ko. Ibinuhos ko sa pagsusulat ang inis at sama ng loob ko. Kulang na lang masira ang keyboard ko sa lakas ng pagtulpok ko. May kasalanan talaga ko sa nangyari aminado ako doon pero pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Sino ba naman ang gustong apak-apakan na lang ng iba? Abala akong ibunton sa sinusulat ko ang sama ng loob ko nang mag-ring ang selpon ko. “Hello?” “This is Freda. Are you busy?” Maarte ang paraan ng pagsasalita nito. Halatang ipit na ipit. Freda is my editor-in-chief. He is a gay. “Oh, Fredo. I am not busy, why?” “Ang bastos mo talagang kausap. Kung magkalapit lang tayo nakalbo na kita. I am a girl. So stop calling me Fredo. Freda. Freda, okay?” Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Napatawag ka?” I used to talk to him in informal way dahil kapag wala naman sa trabaho, same vibes lang kami. We are more on friends relationship than writer-editor. Naranasan ko na ngang magpakalasing ng husto na siya ang kasama. “I need to talk to you in person. Pwede ka bang pumunta dito sa Pub house bukas?” “Sure, sure. No problem.” “Sige, see you girl. Bye.” Ibinaba na nito ang tawag. Nawalan na rin ako ng ganang magsulat. Kaya binuksan ko na lang ang social media ko na nabubulok na. Hindi ako mahilig sa social media pero may mga account naman ako. Hindi ko lang talaga ugaling tumambay sa lalo na sa timeline ng iba. “Ang tagal kong hindi nag-open. Wala man lang mensahe. Buhay pa ako pero wala nang nakakaalala sa akin.” Naghihimutok ako habang tinitingnan ang mga messages ko. Wala man lang naligaw na kahit isang mensahe. Nag-scroll na lang ako news feed ko. Tinatamad na rin naman akong magsulat kaya magpo-procrastinate muna ako ngayon. “Wow, kasal na siya? Samantalagang dati nagalit pa siya sa akin kasi ako ang crush ng crush niya.” Tukoy ko sa kaklase ko noong college na sinugod ako matapos malaman na inaagaw ko raw ang crsuh niya. Aba kasalanan ko ba na mas maganda ako sa kanya? Mas maganda nga ako pero mas nauna pa siyang ikasal sa akin. Hindi naman ako nagmamadali pero hindi ko maiwasang mainggit. Sana all na lang sa kanya. Mukhang ang saya-saya nito habang todo ang ngiti sa picture nakatutok pa sa camera ang kamay nito na may singsing. Madaming bumati dito pero nilampasan ko. Bitter ako, eh. “May abs na siya?” Hinart ko ang picture ng dati kong schoolmates na parang kasing payat ng kawayan pero ngayon todo flex na sa social media ng katawan. May anim na pandesal na ito at tila masarap na rin yumakap ang mga braso nito ngayon hindi tulad noon na parang stick lang talaga. Muli akong nag-scroll. I heart another photo. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan. Binasa ko ang pangalan niya. “Jenneth Santos. Siya na 'to?" Hindi makapaniwalang sambit ko. Dati kasi maitim ito at madaming pimples pero ngayon maputi na at glass skin. “Sana all nag-glow up,” natatawang saad ko. Siguro kapag may nakakita sa akin iisipin na baliw ako dahil nagsasalita ako mag-isa. Hindi ko lang kasi mapigilang mag-komento sa mga pagbabago nila. Kinapa ko ang aking pisngi. Napangiwi ako ng may madama akong pimple sa may noo ko. Dapat yata hindi na ulit ako magpuyat. Baka maungusan ako ni Jenneth sa ganda. I even saw one of my batchmate post about her newly opened restaurant. Ang dami na ngang nagbago. Tila ako na lang ang na-stuck, walang masyadong progress ang buhay ko. Samantalang ang mga kakilala at kasabayan ko kung hindi may pamilya na, successful na sa buhay. Samantalang ako isang patatas pa rin. At malapit nang mabulok. Siguro panahon na talaga para humanap ako ng trabaho. Pwede pa rin naman akong magsulat pero kailangan ko nang humanap ng trabahong ikatutuwa ng lahat lalo na ng mga magulang ko. Baka kapag nagka-stable job na ako sa paningin nila. Hindi na ako ituring na parang bata nina mama at papa. Kailangan ko nang patunayan ang sarili ko bago pa sila matuyuan ng dugo dahil sa akin. I close all my social media accounts and start writing my resume.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD