Nanlalaki ang mga matang nakatingin sila akin. Akala siguro nila hindi ko sila papatulan. Bata nga pinapatulan ko sila pa kayang mga bulb*lin na.
Mga feeling campus mean girl sila. Eh, mgamukha naman silang clown sa perya. Ang babaduy nilang manamit parang kapanahunan pa niJolina magdangal ang mga porma nila.
"How dare you!" nangigigil sa galit na saad ng leader nila.
"How dare me talaga. Akala n'yo naman ang gaganda n'yo kung makapanlait kayo. Kung janitress ako kayo ang una kung lalampasuhin."
Matagal na rin akong walang nakasagutan, kahapon lang pala meron pero bata iyon kaya hindi ko pinapatulan ng husto. Hindi gaya ng mga nasa harapan ko ngayon pero hindi ko sila uurungan. Baka hindi nila alam bago pa sila maging feeling mean girls dito sa univ, ako muna.
"Anong karapatang mong sabihin iyan? Hindi mo ba kami kilala?"
Paki ko naman kung sino sila?
"Ako ba kilala n'yo?" Balik tanong ko sa kanila. Hindi naman ako sikat pero baka lang naman kilala nila ako. Dahil kung hindi rin nila ako kilala, baka magsisi sila kapag nakilala ako.
"Wala kaming kilalang cheap na gaya mo. We just interested with rich people like us," sagot ng makapal ang make-up.
"Mayaman ka pala. Kaya next time magbayad ka ng make up artist na mag-aayos sayo. Putok na putok iyang blush on tapos mukha kang patay sa sobrang puti ng foundation mo na hindi naman pantay ang kulay sa leeg mo."
Kung panalalait ang usapan, secret talent ko yata iyon.
"You... You.... Argh!" Hindi nito alam ang sasabihin. Namumula na rin ang mukha nito maaring sa sobrang galit o sa pagkapahiya lalo na at maraming nakarinig sa sinabi ko. O baka dahil lang sa blush on nito.
"Don't listen to her Violet. She is just envy with your beauty. Pangit kasi siya maliit pa," saad ng babaeng naka green mini-shirt.
Mukha siyang bonsai sa suot niya. Inirapan din ako nito. Pinamutian ko naman siya ng mata. Anong akala niya siya lang ang marunong magmaldita?
"You better leave now. Bago pa namin tawagin ang mga kasama namin at tuluyan kang mapahiya, poor," saad ng nasa gitna na sigurado akong siyang pinakaleader nilang tatlo.
May backup pa pala. Para namang matatakot nila ako.
Uso pa ba talaga ang mga mean girls wannabe ngayon? Kaso mukhang hindi pa nakakasabay sa panahon ang fashion nila, mga mukhang napaglumaan ng panahon. Sasakit nila sa matang tingnan.
"Aalis na talaga ako bago pa ako mamatay sa amoy ng polluted mong bunganga."
Hindi naman talaga siya badbreath, gusto ko lang siyang asarin mukha pa namang siya ang pikon dahil namula ang buong mukha niya.
Mas marami na ang mga napapatingin sa amin pero wala akong pakiaalam hindi naman ako ang nagsimula kundi sila. Kesa humingi ng sorry dahil nakabangga nanlait pa sila. Naka-tukong at plain shirt lang talaga ako, habang white rubber shoes ang pampaa. Kasi naman biglaan lang akong inutusan ni mama buti nga nakapagsapatos pa ako.
"You b-tch!" sabay-sabay nila akong sinugod habang nakataas ang mga kamay. Nakailag ako kaya nasubsob sila sa sahig. Madadapa na rin sana ang nasa gitna sa kanilang tatlo pero hinila ko ang buhok nito bago pa lumapat ang mukha sa sahig. Sayang naman ang retokadong ilong nito kapag nadapa rin. Sigurado pa naman akong mahal iyon.
"L-let me go." Pilit nito inaalis ang ang kamay ko sa buhok niya. Muling tumayo ang dalawang lampang kasama niya upang sugurin akong muli pero agad kong binitiwan ang buhok ng babaeng hawak ko, bahala na kungmasira ang ilong niya. Kailangan ko munang iligtas ang sarili ko at inunahan ko sabunutan ang dalawang babae.
Pareho silang napaliyad habang hila-hila ko ang parehong buhok nila. Akala ba nila porke't maliit ako kakaya-kayanin na nila ako? hah! Naiiyak na sila sa sakit pero hindi ko pa rin binibitawan ang mga buhok nila.
Madami na ang nanunood pero walang nagtanggangkang tumulong sa akin. O mas tamang sabihin sa tatlong babaeng nasa harapan ko na magugulo na ang mga buhok.
Biglang nagpulasan ang lahat ng may pumito. Kung kanina ay nagkukumpulan sila ngayon ay sabay-sabay silang naghalaho.
Tanging kaming apat na lang ang natira sa hallway.
"Kat Sebastian!" Napatingin naman ako sa sumigaw, si Mr. Trinidad. "Anong kaguluhan ito?" Nagtatanong ang mga matang tumingin siya sa akin.
"Hindi ako ang nagsimula," simpleng saad ko.
Hindi naman talaga ako. Sila ang unang nagsalita ng masama laban sa akin, sila rin ang naunang sumugod. Lumaban lang ako. Hindi pa naman ako sanay sa salitang retreat.
"Hindi ikaw ang nagsimula pero bakit sila ang mas mukhang mga kawawa?" Tukoy nito sa tatlong clown na umiiyak na ngayon, samantalang kanina ang tatapang nila.
"Sila ang nagsimula pero hindi naman ibig sabihin magpapaapi ako, Sir," depensa ko. Wala sa bokabolaryo ko ang salitang talunan.
Kaya dapat talaga hindi nila ako sinimulan. Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Pwede na po ba akong umalis?"
"Matapos ng eksenang ginawa ninyo sa tingin mo ba makakaalis ka agad? Sumunod kayo sa akin," matigas na utos nito at nauna nang maglakad.
Agad namang sumunod ang tatlo dito pero ako ay tatakbo na sana sa ibang direksyon para tumaks pero bigla itong lumingon. "Sebastian, h'wag mo nang subukan pang tumakas."
Nakasimangot na sumunod na lang ako. Maghahatid lang naman ako ng lunch ni Papa pero bakit ba napa-away pa ako? Kasalanan ito ng tatlong iyon e.
Pumasok kami sa guidance office. Akala ko hindi na ako makakapasok dito mula ng maka-graduate na ako pero mali pala ako.
Mukhang na-miss ako ng lugar na ito.
"Mr. Trinidad, what happened?"
Tila nasagot ang tanong nito ng pumasok na ako. "Nag-away sa hallway. Ikaw na ang bahala sa kanila, Mrs. Ferrer. Parusahan mo kung kinakailangan.Mauna na ako may klase pa ako." saad ni Mr. Trinidad bago lumabas ng opisina.
"Ms. Sebastian, ikaw ba ang may kasalanan nito? Akala ko ba mananahimik na ang opisinang ito nang makapatapos ka, mukhang mali yata ako." Naiiling ito habang nakatingin sa tatlong clowns na mas lalong nagmukhang clown dahil kumalat na ang makakapal nilang make-up sa mukha nila dahil sa pag-iyak.
"It's not my fault, Ninang."
"Mrs. Ferrer," pagtatama nito.
She is really my godmother and my mother bestfriend. Ngayon pa lang nasisiguro ko na makakarating kay mama ang nangyari. Lalo na siguro kay Papa na narito mismo sa univ nagtuturo. Kaya kailangan ko itong amuin upang makaligtas ako. Dahil kapag nalaman pa ng mga magulang ko ang nangyari, lagot na naman ako.
"What exactly happened?" tanong niya sa amin.
Tiningnan ko ang tatlo. Magsasalita na sana ang isa pero binigyan ko ito nang nagbabantang tingin. Subukan lang niyang magsinungaling kakalbuhin ko na siya ng tuluyan.
"It's our fault, ma'am. We provoked her. I am sorry," nakayukong sagot ng pinaka-leader nila.
Kung kanina sana nag-sorry na agad nang mabangga ako wala sana kami ngayon dito. Akala siguro nila hindi ko sila papatulan at iyon ang malaki nilang pagkakamali dahil ngayon sila ang mukhang mga bruha dahil sa magulong buhok nila.
"You created a chaos inside the campus. I hope this won't happened again or I'll give you a suspension. Hindi na kayo mga bata. Act on your age. Understood?" Parang maamong tupa namang tumango ang mga ito. "You can leave now."
Mabilis na nagsilabasan ang mga ito. "And you. Ano na naman ang pumasok sa kukuti mo at pati estudyante pinatulan mo pa? Ang tanda-tanda mo na napapaaway ka pa rin."
Tila stress na naman ito.
"Ninang, sorry na." Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Can we keep what happened secret?" I even folded my hands in front of her to beg. Hindi talaga pwedeng makarating ang nangyari lalo na kay Papa baka tuluyan na akong palayasin noon sa bahay.
She sighs.
"Sige na," napipilitang saad nito. Isinandal nito ang likod sa upuan. "Basta h'wag na itong mauulit pa. Hindi kana estudyante dito sa univesity kaya tantanan mo na ang pagbibigay ng sakit ng ulo sa akin. And hindi porke't hindi kana estudyante dito hindi kana accuountable sa mga pinag-gagawa mong kalokohan inside the campus."
"I understand. Promise hindi na mauulit." Itinaas ko pa ang isang kamay para manumpa sa harapan nito.
"Dapat lang."
"You are the best." Binigyan ko siya ng thumbs up bago tuluyang nagpaalam.
Nang makalabas ako ng guidance office ay biglang kumulo ang tiyan ko. Napatingin ako sa relong pambisig ko. Quarter to one na pala. Mabilis na nagtungo ako sa kinapaparadahan ng bike ko. Gutom na ako, wala pa akong agahan. Tapos naubos na rin ang energy ko dahil sa tatlong clowns kanina. Hayst dapat nasa bahay na ako kanina pa.
Mas tirik na ang araw. Mas masakit na sa balat kaya mas binilisan ko pa lalo ang pagbibisiklita. Kapag yumaman talaga ako bibili ako ng kotse para hindi na ako nabibilad sa araw. Buti pa si Kelvin, may sariling kotse na. Samantalang ako hanggang ngayon nagtyatyaga pa rin sa bisiklita ko. May magandang trabaho kasi siya kaya afford niya, hindi gaya ko napalamunin lang ang silbi sa mundo, maliban sa gandang ambag ko.
"Anong oras na? Bakit ngayon ka lang bumalik?" Iyan agad ang bungad ni mama pagkapasok ko ng bahay. Tila hinihintay nito ang pagdating ko habang nanunuod ng tv sa sala.
"Traffic."
"Pinagloloko mo ba ako? Bakit saan ka ba dumaan sa edsa? Nasa labas tayo ng syudad at isa pa bisiklita lang sinakyan mo hindi kotse."
Hindi ko pinansin ang pagtataray niya. "Ma, gutom na ako."
"Kumain kana. Kumain na ako dahil mamumuti na ang mata ko sa kahihintay sa iyo pero wala ka pa rin. Saan ka pa ba nagsusuot?"
Hindi ko na sinagot ang tanong nito at mabilis na nagtungo sa kusina upang kumain. Gutom na ako, kaya mamaya na ang interrogation niya. Tiyan ko muna ang uunahin ko.