CHAPTER 2

1504 Words
Kunot noo kong pinagmamasdan si Freja habang lumalamon. Nakakapagtaka naman kasi. Ano ba ang nakain ng babaing 'to at ang takaw niya naman ngayon? Nandito kami sa cafeteria at kumakain. Ngayon ko na nga lang siya makakasamang kumain at nagkaganito naman na siya. Hindi siya ganito kalakas kumain nang huli kaming magsabay. Wala pa naman akong time para samahan siya dahil nga sa busy ako sa pag-pe-prepare sa Christmas ball bago mag Christmas vacation. Ilang weeks na lang 'yon, tapos ang nakakainis pa sa akin pa pinasa ng Dean ang tungkulin niya. Kaya hindi ko matutulungan ang babaing 'to. Kung may problema man siya ngayon. Hello! Problemado rin kaya ako. Hindi naman lahat problema ko pero ang hirap lang kasi. Araw-araw na lang may ilang mga istudyante ang nag-aaway. Kung hindi naman 'yon ang problema ko ay si Ariel. How he disrespected the professors. Parang hindi istudyante. Kung gaano kaitim ang lalaking 'yon ganoon din kasama ang ugali niya. Napapaisip na lang nga ako sa lalaking 'yon, eh. Ariel ang name niya pero bakit ang itim niya? Katatapos niya lang magkwento tungkol sa ginawa ng mysterious guy na nakilala niya kamakailan lang. Naikwento niya rin na hinampas ng lalaking iyong si Ariel. Kaya ayon nasa hospital at hanggang ngayon wala pangmalay. "Ah... Totoo pala 'yong tsismis," umiiling kong sabi. "Tignan mo nga naman may makikilala rin pala 'yon na katapat niya. Mabuti nga lang sa kanya 'yon." Lumingon ako sa kanya at ngumiti nang nakakaloko. "Super gwapo ba no'ng boy? Kasing gwapo ba ng mga bagong transfer dito?" Sunod-sunod kong tanong. "Sinong boy?" Taka niyang tanong at nilingon ako. "My god Freja," Inirapan ko ito. "Siya nga ang topic natin kasama na si Ariel." Si Ariel ang pangit niyang manliligaw at ang walang respetong istudyante rito sa loob ng campus. Naaawa nga ako sa babaing 'to. Paano ba naman hindi niya pwedeng basted-in si Ariel. Kahit na gusto niya pang gawin. Last time kasi nang may nambasted kay Ariel. Ayon hospital ang bagsak. Pati babae pinapatulan. Kay pangit-pangit naman. Mayabang lang siya pero hindi siya gwapo. "Ah 'yon?" Kunot-noo niya akong nilingon. "Sinabi ko bang gwapo siya? Hindi naman, diba?" Napairap na lang ako. Kasasabi niya lang na gwapo ang lalaking 'yon. Hindi ko maiwasan na matawa sa kanya. Ngayon lang siya nainis sa isang lalaki. Wala naman kasi siyang pakialam sa mga lalaki. Kahit na gwapo ka pa sa paningin niya. "Paki ko kung gwapo sila wala pa rin papantay sa mga Asawa ko." Iyan lang naman ang lagi niyang sinasabi sa akin. But right now look at her. May lalaki na sa tingin niyang gwapo sa paningin niya at mukhang iba ang epekto nito sa kanya. "Hoi, 'wag ka ngang ano diyan," Duro ko sa kanya. "Kasasabi mo lang kanina. Gwapo ka mo siya. Gwapo pa sa paningin mo." "Wala akong sinabing gwapo siya ang sabi ko mukha siyang paa!" Pilit niya sa akin. Napailing-iling na lang ako. Kasasabi niya lang kaya kanina. "Kahit na gwapo pa siya sa paningin ko mukhang pa rin siyang paa." Kung sinuman ang lalaki 'yon na ayaw niya talagang aminin. Humanda siya sa akin kapag nakilala ko. Ako mismo ang tutulong doon. Baka naman ma-i-develope ko silang dalawa. Excited na tuloy akong makilala ang lalaking sinasabi niyang gwapo. Tumango-tango ako nang maalala ko ang mukha ng lalaking kinababaliwan ko ngayon. Wala pa rin namang makakapantay sa kagwapuhan ng Hiro ko. Syempre alangan na i-down ko si Hiro. Nakakunot noo ko itong pinagmamasdan habang nag-iisip siya. Ang lalim nang iniisip niya hindi ko nga alam kung ano. Hindi ko masisid. Hindi ko alam kung ako ba ang pinagmamasdan niya o hindi. "Speaking of mukha paa," giit niya habang nakakunot ang noo niya. "Ayon ang mukhang paa." She pointed the person behind me. I also looked behind my back to see the man who is her talking. And guess what? I was surprised when I saw who he was. S-si Hiro? P-paano? Paano sila nagkakilala? Tumayo ito para lapitan at sugurin si Hiro. Malakas niyang hinampas ang lamesa kung saan kumakain si Hiro. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat nang lumingon ito kay Freja. Magkakilala talaga sila? "Hoi lalaking mukha paa!" naiinis niya sabi dito. "Akala mo siguro papalampasin ko ang ginawa mo sa akin? P'wes, nagkakamali ka. Ngayon ako naman ang maniningil sayo!" "Excuse me Miss?" Naguguluhan nitong tanong. "I didn't get what your saying. What are you talking about?" Naguguluhan ko silang tinignan. Magkakilala ba talaga sila? Pero kilala siya ni Freja bakit si Hiro hindi siya kilala? "Ah gano'n? May pa English speaking ka na ngayon," Dinuro niya ito. "Hoi, lalaki! Akala mo siguro makakalimutan ko ang ginawa mo sa akin kagabi, nuh? P'wes nagkakamali ka!" "I'm sorry miss nagkakamali ka yata ng taong nilapitan," Paliwanag nito. "Look hindi kita kilala and also I don't know what happened last night." "Ah, my amnesia boy lang ang peg?" Dinuro niya ulit ang mukha nito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na magkakilala sila. Marami na nga ang nanonood sa kanila Freja at pinagbubulungan na rin sila. Ito lang ako gulat na gulat habang pinanonood ko silang nagsasagutan. "Hoi, lalaking hindi ako tanga tulad ng iba d'yan na makakalimutan ang atraso nila sa akin agad agad." "I'm sorry Miss hindi ak-." Napatakip na lang ako ng bibig sa gulat. Bigla ba naman sinapak ni Freja si Hiro at bumagsak ito sa sahig. Kasama na rin ang inuupuan nito. Mas lalong lumakas ang bulong-bulungan sa paligid namin. Tumingin ito sa mga istudyante na nakatingin lang kanina pa sa kanila. "Anong tinitignan-tingin niyo diyan?" Naghahamon niyang sabi sa kanila. Walang umimik or nagsalita man lang lahat nagulat at natakot dahil sa ginawa niya. First time ko lang makakita ng Freja'ng nanuntok at galit na galit. Well. Nagagalit naman siya sa mga classmates niya pero hindi naman umaabot na sinasaktan niya ito ngayon lang talaga. Ganoon ba kalaki ang atraso sa kanya ni Hiro? Walang sabi-sabi nang nag-umpisang naglakad si Freja palabas ng Cafeteria at naiwan akong gulat na gulat pa rin. I look at him while he look at me too. Hindi ko alam bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa uri nang pagkatitig nito sa akin. Napakagat ako ng labi at nginitian ito. Akala ko nga ay ngingitian ako niya pabalik ngunit nagkakamali ako. Ikaw ba naman masuntok at mapahiya sa maraming tao. Matutuwa ka kaya? Tinignan niya ako na para bang ako ang may gawa kung bakit pumutok ang labi nito at nagkaroon ng sugat. Problema niya? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad palapit sa kanya. Tutulungan ko sana ito para tumayo nang bigla na lang niyang malakas na ibinato ang braso ko. "Don't come near me!" May bahid na pagkairita ang boses nito. "Tutulungan na nga kita. Ikaw pa itong galit." Kunwaring naiinis kong sabi. "I don't need your help. I can stand alone, okay?" Tumayo ito at pinagpag ang damit niyang suot. Kahit na may bangas siya sa mukha, ang gwapo pa rin talaga ng lalaking ito. Imfairness, ibang klase palang manuntok si Freja. Akala mo lalaki lang, eh. "Teka lang." Pigil ko dito. Bigla ba naman kasi akong tinalikuran. Tumingil ito at tinignan niya ako. Kung ano ang ibinabato niyang tingin sa akin kanina ay ganoon pa rin hanggang ngayon. "What?" Nababanas nitong tanong. Ang sungit, ha! Pasalamat siya gusto ko siya. Kung hindi baka tumawa lang ako kanina sa kanya. Dahil wala siyang nagawa sa ginawa sa kanya ni Freja. Hindi niya ito pinatulan or sinaktan man lang. Sana man lang hindi niya bawian si Freja. Alam niyo 'yon. Baka bawian niya kasi si Freja. Tapos para na silang mga aso at pusa. And at the end sila ang magkakatuluyan. Marami na kasi akong napapanood na aso't pusa sa una tapos sila ang magkakatuluyan at the end. No! Hindi ako papayag. Hindi pwede 'yon! Kailangan ko kausapin si Freja para lang hindi na niya lapitan pa si Hiro. Kasi naman baka sa kanya na magkagusto si Hiro. First time ko pa naman magkagusto sa isang tao at napaka sa lahat. Napaka sungit! "Kailangan nating gamutin ang sugat mo." Nahihiya kong sagot dito. H'wag ka na sanang maging masungit. Pumayag ka na lang. Please! "TSK. I don't need your help, I can handle myself," pagsusungit niya pa rin. "Stop bothering me." Mabilis niyang binawi ang braso niya na hawak hawak ko at naglakad na ito papalayo sa akin. Tignan mo 'yon. Siya na nga itong gusto kong tulungan. Siya pa itong magagalit sa akin. May pa 'Stop bothering me' pa siyang nalalaman. Bahala siya sa buhay niya. Kahit anong sungit niya sa akin kukulitin ko pa rin siya. Naglakad na ako palabas ng Cafeteria para hanapin siya. Lagot ka talaga sa akin lalaki ka sisiguraduhin kong may ilalala pa ang kasungitan mo! Mr. Sungitero!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD