CHAPTER 3

1208 Words
Matapos akong sungitan kahapon at iwan sa Cafeteria. Nang nakatanga ay hindi ko na rin siya nakita pa. Hindi naman kasi siya pumasok sa next class namin after ng lunch break. Hindi ko rin naman siya nakita ng pagpasyahan kong sundan siya. Kinausap ko na rin si Freja, na 'wag na niyang patulan pa si Hiro. Sabi ko pa na 'wag na 'wag na niyang lapitan pa si Hiro. Kasi naman kahit nagalit na galit ito kay Hiro. May chance pa rin na baka magkagusto sila sa isa't isa. Natatakot ako na baka mangyari ang mga bagay na iniisip ko. May side pa rin naman kasi na nagseselos din ako, kahit walang kami. Syempre kahapon kung kausapin siya ni Hiro. Hindi man lang siya sinungitan. Kapag dating sa akin napakasungit niya. Ang Mr. Sungitero na 'yon! Hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti at matuwa. Nalaman ko mismo kay Freja na hindi raw siya magkakagusto kay Hiro. Sinabihan niya pang G*g*ng mukhang paa. Kahit hindi naman talaga totoo. Ang gwapo niya kaya. Mabuti na lang talaga! Napaayos ako bigla ng pagkakaupo nang bigla kong makita si Hiro na naglalakad papasok ng Classroom. Hindi tulad kahapon bago niya ako iwan ay nakakunot ang noo niya. Ngayon hindi na. Kahit na mukha pa rin siyang masungit ngayon. Medyo umaliwalas na ang mukha niya talaga. Masungit pa rin ako nitong tinignan para bang may ginawa akong masama sa kanya. Ano bang problema niya sa akin? Hindi ko naman siya inaano pero ang sungit-sungit niya. Hindi ako ang sumuntok sa kanya kahapon. Naglakad na ito papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. Matapos nitong umupo ay binaling niya lang ang paningin niya sa harap para bang may iniisip na ewan. Sungit naman ano ba ang pwede kong gawin para hindi lang siya magsungit. Napangiti ako at sandaling huminga ng malalim para humugot nang lakas ng loob para sa gagawin ko. Lumingon ako dito at kumaway para kunin ang atensyon nito. Mabuti naman at lumingon siya. Ang problema lang. Seryoso niya akong tinignan na para bang maiirita sa anuman ang bagay na maaari kong gawin o sabihin. "Hi!" Nakangiti kong sabi at kumaway pa. Mabuti na lang at medyo maaga pa. Wala pa ang mga classmates namin. May isa man kaming classmate na kasama dito sa classroom pero hindi gano'n ito kalapit sa amin at hindi niya maririnig ang pinag-uusapan namin. Ganoon pa rin ang tingin niya sa akin, wala pa rin pinagbago. "I'm Franklin Yen Alvarez and you are?" Dagdag ko pang tanong dito. Syempre kahit na alam ko na ang name niya kailangan ko pa rin itanong. Honestly first name niya lang ang alam ko hindi ang full name niya. Gusto ko kasing malaman kung ano ang magiging future surname ko. "TSK. Stupid," sabi niya lang habang umiling-iling at tumingin na sa harap na upuan namin. Naglaho ang ngiti ko sa labi na para bang lumunok ako ng isang galong strawberry dahil sa ginawa niyang pagsawalang bahala sa tanong ko. Napahiya ako roon. Grabe talaga ang lalaking ito! Wala pang nagtatangkang gumagawa sa akin na ginagawa niyang pagsusungi sa akin. Siya lang talaga. Kaya siguro gustong-gusto ko siya. Napairap na lang ako at tumingin din sa harap. "TSK. Gwapo sana sungit naman." Hindi ko naman aakalain na maririnig niya ang sinabi ko. Kahit na halos pabulong na lang "yon. "And do you think I care?" seryoso nitong tanong sa akin. Lumingon ako dito bago nagsalita. "Gusto ko lang naman makipagkaibigan," Nakanguso kong sabi. Masama bang maging kaibigan siya? "TSK. I don't need you." Napangiti ako nang muli siyang magsalita. "TSK. Sungit mo." Panggagaya ko sa boses niya. Medyo paos ang boses niya kaya ang hirap magaya. "I don't care." Lumingon ito sa akin. Para akong maiihi na ewan. Pilit kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang ngiti na lilitaw anuman oras. Titignan niya palang ako para na akong maiihi paano pa kaya kung titigan niya na talaga ako? Matatae na ako no'n. Taena! "Can you please shut your mouth," Dagdag pa nito hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin. "Microphone Girl." Inis ko siyang nilingon. "Anong sabi mo?" Taena! Hindi ko aakalain na kapag lumingon ako sa kanya maglalapit ang mukha namin. Ilang agwat na lang ang layo ng akin sa kanya. Mabilis itong umiwas nang tingin sa akin at binalik ang paningin sa harap. "TSK. I don't want to repeat it." Naiilang nitong sagot. Hindi na ako nagsalita pa at pinagmasdan ko na lang ang mukha nito. Medyo namumula. Kinikilig ba siya o kinikilabutan sa akin? Para kasi siyang nakiliti bigla. Matapos ang klase naming iyon. Mabilis kong inayos ang gamit ko na nakakalat sa mesa ko. Gusto ko sanang sumabay sa kanya, ngayong lunch. Alam niyo na knowing each other para naman hindi niya na ako sungitan pa. Napakasungit niya kasi kanina pa. Mula kasi nang mag-umpisa ang klase namin, sa tuwing kakausapin ko siya at bubulungan puro "TSK", "STUPID" at pagsusungit lang ang ginagawa niya. Napalingon ako rito habang minamadaling ayusin ang gamit ko. Wala itong imik na tumayo sa tabi ko at naglalakad papalabas ng classroom namin. "Hiro!" sigaw ko dito na sana ay huminto siya. Pero hindi, eh. Hindi niya rin ako nilingon. Kaya mas binilisan ko pa ang pag-aayos ko. Kapag hindi ko ginawa 'yon, I'm sure mawawala na naman siya sa paningin ko. Hindi ko na naman alam kung saan ko siya hahagilapin. Hindi na nga ganoon kaayos ang gamit ko nang ilagay ko ang mga ito sa loob ng bag ko. Matapos kong gawin 'yon ay lumabas na ako ng Classroom. Ako na lang din naman ang naiiwan sa loob. Napabuntong hininga nalang ako. Wala na akong nakitang Hiro sa loob ng Cafeteria. Kahit nga sa restroom ng mga boys na dinaanan ko. Wala pa rin akong nakita. Para naman kaming naglalaro ng hide and seek ng taong 'yon. Lagi na lang akong taya. Hindi ba pwedeng siya naman itong humanap sa akin? Napailing-iling na lang ako. Sa bagay wala naman siyang gusto sa akin. Hindi ko nga rin alam kung paano ko siya susuyuin. Napag-isip-isip ko na ito kagabi at nag research na rin ako para sa gagawin ko. Kung hihintayin ko na magkagusto siya sa akin para lang akong naghihintay na pumuti ang Chocolates. Kahit na Brown naman ito. Napanguso na lang ako. Napapaisip tuloy ako kung paano ko siya liligawan. Paano ba naman kasi. Puro opinion lang ng mga boys ang nababasa ko sa tuwing nag re-research ako about: How to court someone you like/love? Give her flowers, Chocolate and teddy bear. Hindi ko naman kasi pwede siyang bigyan ng love letter at haranahin. Bukod sa wala na halos gumagawa no'n. Baka magmukhang babae naman na siya at mas lalo niya pa akong sungitan. Dibale flowers and Chocolates na lang muna, iyong mumurahin. Malay mo mahilig siya sa mga Chocolates na mamahalin noon tapos sawa na siya ngayon. Kaya iyong mumurahin na lang sa bulsa. Tipid na ako! Enjoy pa siya. Tango-tango. Dibale mamaya bago ako uuwi. Pupunta muna ako ng Mall at ibibili kita ng Chocolates mo. Nakangiti akong nagpatuloy sa paglalakad nagbabaka sakali na sana. Sana makita ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD