THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 14 WASTED CHANTAL’S POINT OF VIEW. YAKAP pa rin ako ni Jayden ngayon, habang ako naman ay patuloy sa aking pag-iyak. Tahimik lang siya ngayon habang niyayakap ako. Makalipas ang ilang minuto na pag-iyak ay tumahan na rin ako at itinulak ko na siya palayo sa akin at nagpunas ng aking mga luha. Tinignan ko siya ng masama. “B-Bakit ka nandito, huh?” tanong ko sa kanya. Nakita kong inaayos niya ang kanyang na gusot na damit ng dahil sa pagyakap niya sa akin. “Nasabi ko na ‘yan kanina, Chantal.” “BakIt, kailangan ba kita? Hindi kita kailangan, Jayden! Kaya ko ang aking sarili,” inis kong sabi sa kanya at inayos na rin ang aking sarili. Wala lang talaga ako choice kanina kundi ang hayaan si Jayden na yakapin ako dahil sobra akong nanghihina at hindi ko