THE BALLERINA’S DOWNFALL EPISODE 15 THE RESULT CHANTAL’S POINT OF VIEW. PAGKAGISING ko ay nasa hospital na ako habang ina-assists ako ng mga nurses at doctors. Wala akong naririnig, pero nakikita ko ang mga nakapaligid sa akin. Lahat sila ay mabibilis ang mga paggalaw at may iba’t ibang bagay na kinakabit sa akin. Bago ako muling mawalan ng malay ay nakita ko si Jayden na papalapit sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha at hinawakan niya ang aking kamay hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay. “Kasalanan ko ‘to, Trevor! Sana hindi ko na lang hinayaan na umalis si Chantal. Hindi sana mangyayari ito kung pinigilan ko lang ang anak natin.” “Wala kang kasalanan, Tia. Hindi natin ginusto na mangyari ang bagay na ‘to. Magiging maayos din ang anak natin.” Unti-unti a