Paglabas ko ng silid kinaumagahan ay siya namang saktong pagkakita ko kay carl.Nahihiya man ako dahil sa nangyari na halos makita na nito ang buo kong katawan ay pilit kong ipapakita dito na matapang ako.BAKA kasi pag nalaman niyang nagkukunwari lang ako ay baka samantalahin niya ako kaya mas mabuti na iyong tingin niya saakin ay amazona. "Hoy!manyak." sigaw ko.nakaupo ito at tila nagkakape.Nakatalikod ito saakin na napalingon ng tawagin ko.Ngumisi ito.nakakainis! "Kukunin ko iyong ..." naputol ang sasabihin ko dahil ng makalapit ako ng tuluyan ay kasama pala nito si jake at shane na nag aalmusal.Bigla akong nahiya.Paano ko sasabihin na naiwan ang damit ko sa kwarto niya mismo?
"Goodmorning beshy." Bati ni shane saakin habang kumakain ng sandwich. "Come,magbreakfast kana rin mukhang nalasing ka talaga eh haha." napanguso naman ako sa sinabi niya imbes na sumagot ay naupo nalang ako sa tabi niya at kumuha ng sandwich na nakalapag sa mesa. "Ano pala iyong kukunin mo Kay Carl?" tanong nito.Napahinto ako sa pagkagat sa sandwich at napatingin Kay Carl na pasimpleng ngumisi at humigop sa kape.batuhin kaya kitang lalaki ka!dahil tila natutuwa ito sa reaksyon ko.
"Aaah eh." nag iisip ako ng idadahilan.ano nga ba ang idadahilan ko? "Ah may hinihiram kasi ako sakanya.Tama!ganun nga." sabi ko na may papitik pa sa ere. "Diba carl?"balin ko kay carl pero sumipol lang ito ng nakakaloko tila ayaw akong sakyan.bwesit ka talagang lalaki ka!
Napatango tango naman itong si shane at pinagpatuloy ang pagkain.Pagkagat ko ng sandwich ay siyang salita naman ni jake na umiinom din ng kape na gaya ni carl."Ano naman iyong hinihiram mo?" nakakaloko nitong tanong dahil pinaniningkitan ako nito habang nakangisi.panibagong idadahilan,ano nga ba ang hinihiram ko?Tumikhim ako at napakagat muli sa sandwich na hawak ko dahil wala pa rin akong maisip na dahilan.shit!bakit ba pakiramdam ko NASA hot seat ako!?
"Hinihiram niya iyong damit ko." singit ni carl at humigop ulit sa kape niya.nabulunan ako ng magsalita ito.walanghiya ka talagang lalaki ka! nanlaki ang mga mata ko at napatingin kina jake at shane.
"Bakit naman Lali?" sabay na tanong ng mag asawa.napalunok ako at mabilis na napainom ng tubig. "wala kanaba extra damit?meron naman ako ibang shirt na maluwang panigurado ako kakasya saiyo yun.bat dika nagsasabi?pasaway ka talaga." dugtong ni Shane.Napatawa naman ng malakas itong si carl.
"Naku,nabanguhan sa damit ko eh kaya gusto ng damit ko.amoy amoyin ba naman ako kagabi haha." sabi nito.Nag init ng husto ang magkabilaang pisngi ko dahil sa sinabi niya.tang ina ka talaga!mamaya ka lang!tinaliman ko itong tinignan.gustong gusto ko siyang sakalin ngayon sobra!
"Hahaha!" tawa naman nitong si jake. "Ikaw naman Lali,wag kana mahiya ganun pala eh haha." sinamaan ko din ito ng tingin.Para nanaman akong mahihighblood dahil nagsisimula nanamang uminit ang mukha ko sa galit at inis.Si shane namam ay nakangisi din.bati ba namam ikaw shane!?naku naku!
"Hindi yan totoo! " bulyaw ko dahil sa inis.tinignan ko ng masama si carl na sinasabing mapapatay kita look.
"Okay eh ano nga ba ang hihiramin mo?" biglang ngisi ni carl at humarap saakin at nangalumbaba pa talaga.Napakagat ako sa labi sa sobrang pagkainis.
"Yung damit ko na naiwan ko sa kwarto mo,kukunin ko hayop ka!" bigla kong bulyaw sa galit at mabilis din naman akong natauhan.nadala sa init ng ulo kaya nasabi ko.Lalo kong nakagat ang labi dahil hindi ko alam paano ko babawiin iyon.Ngumisi si carl ng pagkalaki laki dahil sa sinabi ko.
"Ha? bakit may damit ka Kay Carl?at naiwan?sa kwarto niya?" takang tanong ni shane.naloko na.bukingan naba ito.Kita kong nagpipigil sa pagtawa itong si carl habang nakatingin sa malayong dereksyon. "Oh oh..I smell something wetty hahaha." dugtong naman na sabi ni Jake.tang ina!Napalunok ako at halos hindi makatingin sakanila ng deretso.Magsasalita na sana ako pero bigla nanamang sumingit itong si carl.
"Katabi ko siyang natulog nung nalasing siya."sabi nito na seryoso at prenteng sumandal pa sa upuan.Namilog ang mga mata ni shane.
"OMG!may nangyari sainyo?" gulat na tanong ni shane. "I knew it!hahaha sabi ko na nga ba eh haha." sabi naman ni jake.imbes na sumagot itong Carl na ito ay lumaki pa ang pagkakangisi at tinitigan ako ng nakakagat ang ibabang labi.parang sinabi narin niyang may nangyari nga!
"No!" sigaw ko.lalo namang natawa itong si jake ."Walang nangyari saamin!naligo lang ako doon kaya naiwan ko iyong damit ko!yun ang totoong nangyari!" piling ko nakalabas ang ugat ko sa leeg habang nagpapaliwanag.
"Eh bakit ka nga ba naligo? " tanong ni carl.bwesit talaga!
"Pwede ba carl!tumahimik ka!"sigaw ko.tawang tawa si jake saamin ni carl.si shane naman ay napapanguso at nagpipigil na matawa.
"Ganito kasi ang totoong nangyari guys." sabi nito.nanlaki ang mga mata ko.balak ba niyang sabihin na na bumagsak ako sakanya ng nakahubad? "habang nakahiga kasi kami eh bigla siyang. ." naputol ang sinasabi niya dahil sa pagtayo ko na halos matumba iyong upuan.Hindi ko kayang marinig to.Nakakainis na talaga.humakbang ako."hey where are you going?sasabihin ko lang naman na sinukahan moko!" sigaw niya pero hindi ko na ito nilingon.sobrang nakakasira ng araw!Narinig ko pang tinawag ako ni shane pero hindi ko magawang lumingon dahil sa inis ko.Rinig na rinig ko ding napahagalpak sa tawa itong si jake.
Ayoko ng marinig pa ang sasabihin ng manyak na iyon dahil baka sabihin din niya iyong hubad akong nasa ibabaw niya.Wala sa sariling dinala ako ng mga paa ko sa dalampasigan.sobra na talaga!gusto ko ng umuwi.tsk!hindi ito isang bakasyon kundi isang disaster!Napaupo ako sa buhanginan at napapikit habang pilit pinapakalma ang sarili.easy lang!easy lang!Tama ganyan nga.at dahan dahang bumuntong hininga.