CHAPTER 25

1014 Words
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito sa loob ng kanyang banyo.tanging twalya lamang ang nakatapis saakin na tumatakip sa buo kong katawan.Hindi ko rin magawang sabihin dito na wala akong dala na pamalit dahil naiwan sa kama at mas lalong hindi ko kayang lumabas na ganito lamang ang suot! Paikot ikot ako dito sa loob ng banyo habang kagat kagat ang mga daliri dahil sa tensyong nararamdaman ko.mag isip ka lali! utos ng utak ko.shit ano nga ba ang gagawin ko?hindi ko alam! "lali okay ka lang ba?bakit ang tagal mo dyan?" nagulat ako sa boses nito.Kumakatok katok narin ito.lalo akong kinabahan hindi ba nito napansing nasa kama ang damit niya kaya hindi ako makalabas!? Hindi ako sumagot.napaharap ako sa salamin at halos matuyo na ang ibang hibla ng buhok ko dahil sa tagal ko dito.shit anong gagawin ko!? kumatok ulit ito ng kumatok.palakas ng palakas.Balak ata nitong Gibain ang pinto! "wait lang!" sigaw ko. "Ano bang ginagawa mo dyan nag aalala na ako dito!" sabi niya.talaga lang ah?ikaw nag aalala?lokohin mo Lolo mong panot eh kanina lang halos manigas ako sa takot sayo tsk! "eh di naliligo!" sigaw kong muli.nakakairita na.sana lumabas muna siya ng silid para naman makabihis ako. "Kanina kapa dyan,baka malamigan iyang likod mo madaling araw pa naman.lumabas kana at magbihis." sabi nito.Wait! madaling araw ba ang sinabi niya?at teka?alam pala niyang Hindi pa ako bihis siguro nakita niya iyong damit niya pero bakit hindi niya iyon sinabi agad.manyak talaga.gusto ata akong silipan talaga! "Anong oras naba?" at sinindi muli ang shower para isipin nitong naliligo parin ako at lumapit agad sa pinto at idinikit ang tenga sa isiping kung sakaling lumabas ito o humakbang palayo ay tatakbuhin ko iyong damit. "4am." mahina nitong sagot. "lalabas na muna ako,sumasakit ulo ko sayo kakahintay,kukuha lang ako ng tubig." sabi nito.naku mag uumaga na pala!bakit ba kasi siya naghihintay saakin parang tanga lang eh.Pagkakataon ko na ito para lumabas at kunin ang damit.Pinag igihan ko ang pakikinig mula sa pinto.Narinig kong sumara na ang pinto sa silid niya hudyat na nakalabas na ito.MAbilis akong lumabas ng banyo para kunin ang damit niya at boxer sa kama. "s**t! nasan na iyon!?" kausap ko ang sarili dahil hindi ko Makita ang damit sa kama niya.napansin ko ring iba na ang kubre kama nito,kumot at mga punda.siya ba ang nagpalit? tsk!hindi iyan ang dapat kong isipin sa ngayon,nasaan naba ang damit niya! nakakainis na!halos halungkatin ko na ang buong kama pero wala talaga!Baka bumalik na iyon! SA taranta ko ay napapasabunot na ako sa basa kong buhok.kailangan ko na talagang magbihis! dumeretso ako sa napakalaking closet niya para kumuha nalang ng iba pa niyang damit para atleast may ipangtatakip ako sa katawan ko mismo at Hindi lang twalya. Napakaayos ng mga damit niya.dinaig pa nito ang lagayan ng mga damit ko na kapag bubuksan palang ay sabog sabog ang mga damit.Nakita ko iyong black na t-shirt niya.tingin ko mahaba ito at hanggang hita ko ito kung susuotin ko.Napagdesisyunan kong ito nalang ang isusuot ko kaya isinara ko na ang closet niya. "Aaaaaaaaaaaay!" tili ko dahil pag harap ko ay nabunggo ko si.omg!it's carl! natumba kami pareho.Bumagsak kami dahil sa biglaang pag harap ko.Hindi ko narinig na nakapasok na pala ito. Hindi ako nasaktan dahil sakanya mismo ako bumagsak.Pag tingin ko sa mukha niya nakangiwi ito dahil sa sakit .paano naman kasi nang matumba ako ay katawan niya ang naging sangkalan ko para hindi ako masaktan kaya ang nangyari,likod niya ang bumagsak ng pagkalakas lakas sa sahig. NApatingin ito saakin at biglang namilog ang mga mata.Kunot noo ko itong tinignan at napatingin sa kung saan siya nakatingin.Nanlaki ang mga mata ko ng makitang walang anumang nakatakip sa katawan ko habang nakadagan sakanya.shit!nasan na iyong twalya! pag tingin ko sa bandang paanan namin ay nakita kong nandun ang twalyang nahulog.Sobrang namumula ang mga pisngi ko.Hindi ako makakilos.Napalunok ako at ganun din siya.Tanging katawan lang niya ang naging takip sa harapan ko. "a- a-Ano bang gi-na-ga-wa mo-mo?" utal utal nitong tanong saakin.Pareho kaming hindi makakilos sa kaayusan namin.nakakahiya talaga! "Na-naghahanap ako ng damit.nawala kasi iyong damit na na na ibinigay mo kanina."halos panginigan ako ng boses. "Kaya ku-kumuha nalang ako sa closet mo." sabi ko at naalala kong may damit nga akong kinuha.Mabilis kong hinanap iyon at nakita kong nasa bandang ulunan lang ito ni carl.Kagat labi ko itong tinignan dahil hanggang ngayon tanging paglunok lamang ang nakikita ko sakanya at Hindi makakilos dahil nakadikit sakanya ang hubad kong katawan! dahan dahan kong iginalaw ang mga kamay kong nakahawak sa malapad niyang dibdib para abutin ang damit niyang itim sa ulunan.Napapikit ito dahil ramdam ata nito iyong malambot kong dibdib na halos maipit na ng husto dahil sa pag taas ko ng kamay.Nang maabot ko ito ay Dali Dali kong ipinangtakip sa harap ko at umayos ng konting upo at mabilis na kinuha iyong twalya sa paanan namin.MAbilis kong ipinulupot sa katawan ko ang mga ito. Hindi ito kumikilos kahit pa nakaupo na ako.Nanatili itong nakahiga at gulat parin ang itsurang nakatingin sa kisame.Gusto ko ng lumabas dito kaya pagkakataon ko na ito.Agad akong tumayo at patakbong lumabas ng kanyang silid.Hiyang hiya ako sa nangyari!Iniwan ko siyang tulala na nakahiga.kasalanan niya ito! bakit ba kasi nasa likuran ko siya at sobrang lapit pa!MAbilis kong nilock ang pinto ng silid ko at napasandal sa pinto habang hawak hawak ang dibdib.Sobrang lakas ng kabog ng puso ko.Paano nalang ako haharap bukas! "bahala na! babalikan ko nalang bukas iyong damit ko sa banyo niya." dahil pati iyon ay nakaligtaan ko na dahil sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD