A FEW seconds later, Beckett was snoring heavily. Sa sobrang himbing ng tulog nito, kahit lumindol ngayon sa El Continental Hotel ay hindi siya magigising. Hinaluan kasi ni Vivianne ng pampatulog ang wine ni Beckett kanina. Hindi niya gustong umabot sa ganito ang lahat, pero alam niyang mahihirapan siyang iwan si Beckett kung gising ito. Beckett would surely stop him from leaving, at baka tuluyan siyang madala sa agos ng kan’yang damdamin. But their relationship needs to end now. “Mahal kita. Mahal na mahal kita…” bulong ni Vivianne habang hinahaplos ang pisngi ng binata. Patuloy rin sa pagtulo ang luha nito. “At sana, kapag nagkita tayo ulit, huwag mo akong patawarin.” Vivianne kissed Beckett for the last time before wiping her tears. Ilang saglit siyang tumitig sa lalaki bago tuluyan