“A-ANO’NG IBIG mong sabihin?” halos hindi na marinig ni Vivianne ang kan’yang sarili nang sambitin iyon. “May ginawa ka bang masama sa kan’ya? Pinapatay mo na ba siya ngayon?” “Hindi pa, pero malapit na.” Ngumisi ang ama bago kumuyom ang magkabilang kamay. Nagpipigil lang ito ng galit. “Wala ka nang pakialam kung ano man ang gawin ko sa kan’ya. Hiwalay na kayo, Vianne. Hindi ka na dapat mag-alala sa kan’ya, at alam mo kung bakit.” Napabuntong hininga si Vivianne nang malalim. Gusto niyang sumagot, pero hindi niya alam ang sasabihin. Kita niya kasi sa mata ng ama na hindi nito nagugustuhan ang reaksiyon na ipinapakita niya. Vivianne still had a hard time hiding her emotions sometimes. “When are you planning to kill him?” tanong ni Vivianne. “As soon as possible. Kapag may nakita akong p