“WITH Beckett Clainfer po?” pag-uulit ni Joan. Napakurap pa ito nang ilang beses dahil sa gulat. “Pina-block n’yo po ang pangalan niya sa newsletters kanina, at nagawa ko na po iyon. Bakit nagpapa-schedule ka ng appointment sa kan’ya ngayon?” “At kailan ka pa nagkaroon ng karapatan kuwestiyunin lahat ng ipagagawa at gagawin ko?” tanong ni Vivianne sa kan’ya pabalik, may bahid ng inis ang tono ng boses nito. “Hindi porket ikaw ang paboritong tauhan ni Alfred ay gagan’yan ka sa akin. Baka nakakalimutan mo, ako pa rin ang anak niya—Ang tagapagmana ng kumpanyang pinagtatrabahuhan mo. Natahimik naman si Joan doon. Nakaramdam siya ng inis sa pananalita ni Vivianne, pero tama naman ito. Kahit ano’ng gawin niya ay mananatili lang siyang tauhan. “Pasensiya na po, Ma’am Vivianne,” paghingi na lan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books