“WHAT DO you mean?” Napataas ng kilay si Beckett at napakagat sa pang-ibabang labi, tila kinabahan sa sinabi ni Fiona. Dalawang bagay ang maaaring tinutukoy ni Fiona. 'Yong isa ay ang tungkol sa pagiging tagapagmana ni Vivianne ng Allamino Corporation, at 'yong isa naman ay… ‘No. Fiona shouldn't know about that,’ naiiling at kinakabahang saad ni Beckett sa isip. ‘At least, not yet.’ “Her real identity.” Itinaas ni Fiona ang hawak nitong folder at ibinigay kay Beckett. “Vivianne Allamino, ang nag-iisang tagapagmana ng Allamino Corporation at ng buong Allamino Empire. Maganda, medyo rebelde, pero magaling sa negotiation and strategies…” Fiona raised a brow, throwing Beckett a suspicious look. “Are you going to use her for your own gains?” Beckett sighed in relief because of Fiona's b