PROLOGUE
“SLOW DOWN, Addison!” sigaw sa akin ni Archer pero hindi ko siya pinakinggan at mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng kotse ko.
Ang litrato na nakita ko sa cellphone ko kanina ay hindi mawala-wala sa isip ko. Humigpit ang kapit ko sa manibela nang maalala kung gaano sila kalapit sa litratong iyon. Naalala rin kung gaano ako nagmukhang tanga kakahintay sa pagdating niya kagabi.
Tila nabalik ako sa reyalidad nang hawakan ni Archer ang manibela at kontrolin iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na muntikan na kaming mabangga sa isang kotse kung hindi niya maagap na nahawakan ang manibela at nakontrol iyon.
Agad ang pag-apak ko sa preno at inihinto iyon sa gilid ng kalsada. Masama ang tingin sa akin ni Archer.
“Damn it, Addison! Are you trying to kill yourself?”
Hindi ako nagsalita at nanghihinang napasandal ako sa kinauupuan ko. Malakas ang t***k ng puso ko sa isiping kung hindi ko kasama si Archer malamang ay naaksidente ako.
“I-I’m sorry.”
“What’s the rush, Addison? Is it because of that picture that you saw on the internet?”
Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Lumunok ako para maalis ang bikig na namumuo sa lalamunan ko.
I won’t cry…Ano naman kung naghahalikan sila sa litratong ‘yon? It’s possible that it’s an accident. I should stop assuming things, hindi iyon gagawin sa akin ni Sander.
“Addie—”
“Get out,” walang emosyon kong putol sa sasabihin ni Archer. Pagbaling ko sa kanya ay matalim ang tingin niya sa akin.
“No—”
“I said get out! Malaki na ako, Archer, I don’t see the reason kung bakit sa tuwing umuuwi ako kailangan mong bumuntot sa akin!”
Nagtagis ang bagang niya at tila nakonsensya ako sa mga nasabi ko pero bago ko pa bawiin ang sinabi ko sa kanya ay pabalibag na siyang bumaba ng kotse ko. Malalim akong bumuntonghininga at mariin na napapikit. Malungkot kong minasdan sa labas si Archer at muling pinaandar ang kotse ko.
Pinahid ko ang mga luhang namalisbis sa pisngi ko at kinalma ang sarili ko. Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko pero sa pagkakataong ito ay nagpokus ako sa daan.
Wala pang kalahating minuto ay mabilis kong narating ang bahay ni Sander. Kung dati-rati ay mabilis akong bumababa ng kotse ko sa tuwing pumupunta ako sa kanya, ngayon ay tila napako ako sa kinauupuan ko.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang takot na nararamdaman ko. Nagbago siya. Sa mga nakalipas na linggo, naramdaman ko ‘yon. Tila wala lahat sa kanya ang mga pinakita niya sa akin sa nakalipas na buwan.
Pero walang mangyayari kung hindi ko siya kokomprontahin. I need to know kung ano ba talaga ang posisyon ko sa buhay niya. Dahil pagod na pagod na akong intindihin siya. Pagod na akong maghabol. Hindi ko na kayang ipakitang ayos lang ako sa tuwing babalewalain niya ako.
Kinuha ko ang compact mirror ko at nang masigurong ayos na ang hitsura ko ay bumaba na ako ng kotse at pinindot ang doorbell.
“Mang Jun!” pilit ang sigla sa boses kong bati sa guard niya nang bumukas ang gate.
“M-Ma’am Addie…”
Kumunot ang noo ko nang makitang pilit na pilit ang ngiti niya sa akin.
“Si Sander?”
“K-kuwan nasa loob po, may bisita—”
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Mang Jun at mabilis ang hakbang na tinungo ko ang loob ng bahay ni Sander. Lumalagutok ang tunog ng takong ko sa sobrang bigat nang paglakad ko. Walang katok-katok na binuksan ko ang pinto’t nabungaran ko si Sander na nasa sala at umiinom ng kape habang nagbabasa ng diyaryo.
Tila wala sa isip niyang kagabi ay magdamag akong naghintay sa kanya.
“Addie? What are you doing here?” malamig ang boses na tanong niya sa akin.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at hinanap ang sinasabi ni Mang Jun na bisita niya. Binalingan ko si Sander na kunot ang noo sa akin. He looks like someone who just woke up. He’s even wearing his usual sleepwear, sando with his sweat shorts.
“Who is your visitor?”
Tinitigan niya lang ako at hindi ako inimik. Pero bago ko pa maulit ang tanong ko ay umalingawngaw ang pamilyar na boses mula sa taas.
“Sander, thank you—"
Pagtingala ko ay nagsalubong ang tingin namin ni Ellis na agad na ngumisi sa akin at hindi ipinagpatuloy ang sasabihin niya. Mabagal siyang naglakad nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nagmamalaki at hinawi pa ang basa-basa niyang buhok.
Pinigilan kong hawakan ang dibdib ko nang makaramdam nang paninikip doon. She’s wearing Sander’s white polo and boxer shorts.
“Damn it! Ellis, change your clothes—"
Bago pa maipagpatuloy ni Sander ang sasabihin niya ay mabilis kong tinungo si Ellis na mula sa pagkakangisi ay nakitaan ko ng takot ang mga mata. Agad ko siyang hinila kahit hindi pa siya tuluyang nakakababa dahilan para muntikan na siyang bumagsak. Pero hinigpitan ko ang kapit sa braso niya sa paraang bumabaon na ang kuko ko.
“Ouch! You’re hurting me! Sander, help me!”
“Addison!”
Agad ang lapit sa amin ni Sander pero mabilis ang kamay kong sinampal nang malakas si Ellis dahilan para tuluyan na siyang bumagsak sa lapag.
“I told you, stay away from my property! You’re nothing but his past, Ellis. He’s mine, now!”
“How dare you hurt me!” hagulgol ni Ellis at ang tingin ay napunta sa likod ko kung nasaan si Sander tila humihingi ng saklolo.
Nilingon ko si Sander at parang tanga na pinilit ko pang ngumiti.
“T-this is all just a misunderstanding, right? Nothing happened between the two of you right, Sander? Pati iyong picture sa social media, it’s nothing right? It’s a party, maybe you’re drunk—”
“Stop acting like his girlfriend because you’re not Addison! Alam nang lahat ‘yon pero mukhang ikaw lang ang hindi nakakaalam!”
Puno nang pag-asa kong tiningnan si Sander, umaasang sabihin niyang mali si Ellis pero blanko lang ang naging tingin niya sa akin.
“Sander…tell me please. Hindi naman t-totoo ‘di ba? Nilandi ka lang niya—”
“I don’t owe you an explanation, Addison.”
“W-what? Ano bang sinasabi mo? Paano tayo—”
“Walang tayo, Addison.”
“No…t-that’s not true.”
Malalim siyang bumuntonghininga na tila ubos na ubos na ang pasensya niya sa akin.
“You’re not my girlfriend. Kaibigan ka lang ni Samantha kaya kita pinakikisamahan—”
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang malakas ko siyang sampalin.
“So, ano ‘to pinaasa mo lang ako? Anong ibig sabihin ng mga halik mo? Ng galit mo sa tuwing may ibang lalaking lalapit sa akin? You told me to stop leaving, what’s the meaning of that, Sander?”
“I’m sorry...”
“Sorry para saan? P-para sa pagpapaasang maaaring magkaroon na nang tayo?
“Just accept it, Addie, and get lost. Can’t you see? Ayaw nga sa ‘yo—”
Masama ang tingin na nilingon ko si Ellis causing her to shut up. Ikinuyom ko ang kamao ko at tumango-tango’t naintindihan na ang lahat.
“One last question then, wala na ba talagang pag-asang mahalin mo ako?”
Tanga…ayan na nga ang mga ebidensya na magpapatunay na hinding-hindi ka niya mamahalin...
Hindi siya sumagot at pinakatitigan lang ako. Tumulo ang luha sa mga mata ko dahil nakita ko na ang sagot sa mga mata niya.
He’ll never love me. He just can’t. Sobrang hirap at masakit na bitiwan ang pag-ibig na iningatan ko sa matagal na panahon pero mas mahirap na ipilit ko pa ang lahat gayong isinasampal niya na sa aking wala akong dapat asahan sa kanya. Mas lalo ko lang sinasaktan ang sarili ko kung patuloy akong kakapit. Dapat matagal na akong bumitiw ‘eh kaso naniwala akong mapapagod din siyang tanggihan ako, na balang araw makikita niya rin ako bilang isang babaeng karapat-dapat mahalin.
“I see. Naiintindihan ko na ngayon, don’t worry hinding-hindi na kita kukulitin pa. I’ll stop chasing you…I’ll s-stop loving you, Sander. Hindi ko pinagsisihang ikaw ang minahal ko…” Huminto ako at mapait na napangiti’t napailing dahil maling sabihing minahal ko siya dahil hanggang ngayon kahit sobrang sakit na, mahal ko pa rin siya. “…na ikaw ang mahal ko pero h-hihinto na ako kasi nakakapagod na. Nakakapagod kang mahalin, Sander Miller.”
Pigil na pigil ang pagtakas ng hikbi ko kaya binilisan ko ang lakad ko makalayo lang sa kanila. I was born and raised as a strong woman. Pero pagdating sa kanya nanghihina ako. Siya ang kahinaan ko at tila siya lang ang may kakayahang saktan ako nang ganito.
Paglabas ko ay sumalubong sa akin ang malakas na ulan na tila nakikisama sa pagdadalamhati ko.
“Ma’am may payong po ako—”
Hindi ko pinansin si Mang Jun at dire-diretso akong naglakad sa ulanan patungo sa kotse ko. Kasabay nang malakas na pag-ulan ang pagpapakawala ng mga hikbi ko.
Nang mawala ang bagsak ng ulan sa akin ay napatingala ako at nakita ang payong na pinoprotektahan ako mula sa ulan.
Sander…
Agad ang paglingon ko pero mas lalong lumakas ang pag-iyak ko nang hindi siya ang makita ko kung hindi si Archer. Walang pag-aatubili na yumakap ako sa kanya pero humiwalay ako sa kanya nang makita si Sander na nakatingin sa amin. Malakas ang kabog ng puso ko habang naglalakad siya palapit sa amin.
“You forgot your purse!” sigaw niya marahil dahil sa lakas ng ulan. Nang hindi ko abutin iyon ay si Archer na ang kumuha no’n mula kay Sander. Isang sulyap ang ibinigay niya sa akin at mabilis na kaming tinalikuran.
Nang maglakad palayo si Sander ay humakbang ako para habulin siya pero huminto ako at pinagmasdan lang ang likod niya.
Mapait akong ngumiti at umiling.
Tama na…may hangganan din ang lahat.
Nilingon ko si Archer na mukhang ikinagulat na hindi ko hinabol si Sander na palagi kong ginagawa.
“I’m done, Archer. Let’s go…”
I’m done loving someone who doesn’t see my worth…
TBC