Chapter Thirty Virus SUNOD-sunod na katok ang bumulahaw sa tulog ko kinabukasan. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko sa kagustuhang maipagpatuloy ang tulog ko pero banas akong bumangon nang hindi talaga natigil ang kung sino mang kumakatok. Malakas akong sumigaw at napahawak sa ulo kong pumipintig ang mga ugat sa sakit. Hindi dumidilat na bumangon ako para lang mapangiwi sa sakit dahil sa naapakan kong lata. Pagdilat ko ay nagkalat na mga basyo ng beer at lata ang bumulaga sa akin. Hah! Hindi na pala maglalasing ah! Nang maalala ang dahilan ng pakikipag-bonding ko kaninang madaling-araw sa mga alak. Gusto kong bumalik sa kama at muling matulog. Kasi sa pagtulog ko lang nawawala ang sakit. Doon lang ako nakakalayas sa alaala niya. Depota! Ke-aga-aga ang drama ko! Muntik pang sa mukha