Chapter Twenty Five Afraid NANGALAY na ang panga ko sa kakahikab at nanakit na rin ang leeg ko sa ilang beses na muntikang pagbagsak ng ulo ko dahil sa antok. Pinilig-pilig ko ang ulo ko at sinampal-sampal pa ang pisngi ko. Boring… Ipinilig ko ang ulo ko at kinuha sa kamay ni Sander ang kape na kanina niya pa hawak. Natigil tuloy sila sa pagbubulungan ni Ellis sa ginawa ko. “I’ll order you another one—” Hindi pa tapos ang sinasabi ni Sander ay mabilis kong nalagok ang kape niya hindi alintana kung dumampi na ang labi niya roon. Indirect kiss, beybe! “Tss. Wala talagang manners. Here Sander, hindi naman talaga ako mahilig sa kape.” “No need, Ellis. I’m fine.” Pagtanggi ni Sander sa inaabot na kape ni Ellis na hindi ko mapigilang tawanan. Binalingan ako ni Sander at binigyan n