GABRIEL dropped me off at home around half past four. Hindi ko na s'ya pinaakyat sa unit dahil mahirap ang parking dito. Oo nga at sinabi n'yang malakas s'ya sa pulis pero hindi ka pa rin nakasisiguro. Buti na lang at maganda ang gising n'ya mula sa pagkakaidlip namin kanina. He was all smiles the whole time at habang nagdadrive ay hindi bitawan ang kamay ko. Paminsan minsan ay dinadala sa kanyang labi para hagkan. Pagdating ko sa bahay ay naamoy ko kaagad ang nakasalang. It wasn't burning but the smell -- it's so odd. Para bang amoy ng lumang libro na may halong menthol tapos potpourri. Isinara ko ang pinto at nakita ko s'yang kalalabas lang ng banyo. She was still wearing my jeans and tshirt. Kung titingnan mo s'ya ay parang hindi sinaunang tao. Natatawa pa rin ako kapag naalala ko ang