MAAGA kaming bumalik sa bahay ngayon. I felt drained at kahit anong dami ng inom ko ng tubig at kain ng sandwich pati prutas ay parang gutom pa rin ako. You know what it felt like? Para akong nagtatakbo sa treadmill mula umaga hanggang tanghali ng walang tigil. Kaya nang makarating kami sa bahay ay napasalampak na ako sa couch at hinayaan ang sarili kong mapahiga. As for Lana, nakita ko s'yang kumuha ng tubig at nilagyan ito ng yelo saka inabot sa akin. "Drink. It will help you regain your energy," bumalik s'ya sa kitchen at kinuha ang pitsel ng tubig saka inilapag sa coffee table. "Thank you." "Kakailanganin mo ng energy mamaya para makapasok tayo sa portal. Have you seen the map?" tanong n'ya sa akin. "Nasa gilid ng tv," nanlalatang sabi ko sa kanya. Uminom ako ng tubig na malami