PINAULIT n'ya ng pinaulit sa akin ang ginawa ko kanina. Tunay na nakakapagod at ang pakiramdam ko ay maikukumpara sa isang nauupos na kandila. Daig ko pa ang nagpaanak ng sampung ina sa hospital. Ngayon ay malapit na kami sa pinagbabaan sa amin ng taxi kaninang umaga. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Lana sa akin. Tumango ako. "Ayos lang. Nakakapagod pala ang matuto kung paano gamitin ang powers mo. Tingnan mo nga ulo ko at baka puti na lahat ang buhok ko." Napatawa ito. "May ilan, pero hindi naman madami," sabi n'ya sa akin. Horror flooded my face. "What?" "Biro lang. Wala kang uban. S'ya nga pala, narinig ko ang usapan n'yo kanina at mukhang may pupuntahan ka mamaya. Pwede mo ba akong bilhan ng pizza uli? Masarap pala 'yon." Napangiti ako. "Oo naman. Gusto mo rin ba ng chicken wings