ALAS sais y media na kami nakabalik sa apartment kanina at mabuti na lang twenty-four hours ang mga pharmacy dito sa area. Mabilis kong nilagyan ng swero si Lana. The trips dehydrated her katulad na lamang noong una kaming nagpunta. Naranasan ko rin ang ganitong panghihina at walang patid ang inom ko ng tubig. Pero kataka-takang nangyari lang ito sa akin noong una at nang mga sumunod ay hindi na. But Lana, our fourth trip almost killed her. Ilang araw rin s'yang dapat makabawi ang katawan. Baka mamaya ay maabutan namin si Alaric na buhay pero s'ya naman ang patay. Kaloka! Unti unti na s'yang nagkakakulay pero tulog na tulog pa rin ito. Nilagyan ko s'ya ng cold compress at saka nagluto ng sopas. Mabuti na lang meron dito noong powdered soup na lalagyan ng tubig na malamig tapos saka papak