♚Mischievous♚: 2

1542 Words
Third Person's POV Halos dalawang oras na ang nagdaan ng makasakay sila sa pampublikong eroplano. Halos hindi makapaniwala ang kambal na sa public plane sila papasakayin ng magulang. Malamang ay ang may sala nun ay ang kanilang ina. Ilang minuto nalang din ang titiisin at makakaalis narin sila sa eroplanong yun. Ngunit hindi maalis sa mukha ni Siera ang pagkairita. Hindi kasi siya makafocus sa binabasang libro dahil sa samut-saring ingay na naririnig. Hindi rin siya makagamit ng headset dahil ipinagbabawal ang cellphone sa loob ng eroplano. Samantalang ang kakambal niyang si Siara ay prente lamang nakaupo at mukhang nag eenjoy pa sa itsura kakambal niya. Sa kabilang banda ay may isang binata na tuwang-tuwa habang nakatingin sa babaeng nasa unahan niya. Hindi kasi mapinta ang mukha nito. Ngunit ang hindi nito alam ay kanina pa ito napansin ni Siera. pinipilit lang ng dalaga na hindi patulan ang lalaki dahil makakasira iyon sa pagkatao niya. Minabuti na nalang niya tumahimik at hintayin ang paglanding ng eroplano sa lupa. "Psst.. nabalitaan mo na ba yung nangyaring m******e sa shrine area?? Grabe nakakatakot yung mga itsura nung patay. Halatang pinaharapan talaga." Kwento ng isang kabatang babae sa kasama niyang lalaki. Napukaw iyon ng atensiyon ng kambal at ng binata. 'They didn't know that those man committed a crime....' - sa isip-isip ni Seira at lalong nainis. "Excuse me young lady, youngmaster. But those subjects are probihited in here, thank you." Napalingon ang kambal ng may isang pamilyar na lalaki ang nagsalita. Natahimik naman yung babae na naguusap. 'Tss. Kala mo kung sino...' inis naisaisip nung binata. ••• Seira's POV  Isang makahulugang nod ang binigay nito sa amin. Nang maintindihan ko naman ang ibig ipahiwatig nito ay binaling ko nalang ang atensiyon ko. Ilang saglit lang ay papalanding na yung sinasakyan naming eroplano sa lupa. Sa wakas makakaalis narin ako sa bwisit na eroplanong to -_____- Nang saktong magsisibabaan na yung mga pasahero ay sinadyang kong magpahuli para hindi makisksikan sa mga tao. Ayoko kasi ng mga masisikip. Nang kami na ang pinakahuli ay tumayo na ako sinabayan ako ni Gin na nasa tabi ko habang ang lawak ng ngiti. Malamang ay dahil nag eenjoy ito sa reaction ng mukha ko kanina. Sadista kasi diba... "Will you stop it. Your pissing me off." Inis na turan ko kay Gin habang nakangisi. She just look at me then shrugged her shoulder. "Don't worry sis, it really suits you." sabi nito sa tonong nang aasar tsaka naunang lumakad sakin. Kung hindi niya yun ginawa nasiko ko siya. Nang makababa kami sa eroplano ay sa di kalayuan ay napansin ko agad ang magsusundo samin. Paano ba naman ay halos na black suit at mukhang mga respetadong goon... " Okaerinasai Ojou-sama!"(welcome back young lady) Sabay sabay na sabi nila tsaka nag vow samin nung lumapit kami dito. Dahil doon ay nasa amin ang lahat ng atensiyon ng mga na nasa loob. Napa face palm nalang ako. "Watashi wa soko ni ikanai."(I'm not going there) Malamig kong turan sa mga ito. Napatingin naman sakin si Gin. Mukhang nataranta yung mga guard na pinadala nila mom. "D-dakedo... Anata no okāsan ga anata ni enjo o shite kureta."(But... your mom told us assist you) kinakabahang turan nito. "Ie. Watashi wa jibun de ikudarou."(No. I will go by myself) Final na sabi ko. Wala silang nagawa kaya nag vow nalang. " Watashitachi wa ima ikudeshou Ojou-sama, sewa o suru." (We will be going young lady, take care) pagsakabi nila nun ay tuluyan na silang sumakay sa limousine at umalis. Naiwan kaming dalawa ni Gin na pinagtitinginan ng tao. "Neh, Ima nani?"(hey, what now?) Tanong ni Gin habang nakakibit balikat. "Saiko issho ni." (Lets get going together) sabi ko nalang tsaka naunang maglakad. Isa pa naiirita na ako sa mga kanina pa nakatingin sa amin. Akala mo ngayon lang nakakita ng importanteng tao. Kanina pa kami palakad-lakad ngunit wala kaming matunton na direksyon. Napakot ako sa ulo ko ng huminto kami sa isang waiting shed upang magpahinga. "What are we going to do now? I thought you know where we are going?" Nakabusangot na tanong ni Gin habang nakaupo sa tabi ko. "Don't blame me. It's been 5 years since we last got here." Sabi ko naman. Napabuntong hininga nalang ito. "Im hungry." Maktol nito. "Wait a little longer." Sabi ko naman. Sumimangot lang ito. Nilibot ko ang paningin ko at sa hindi kalayuan ay may nakita akong grupo ng lalaki na mukhang manse-set up. hindi nagpahalatang pinalibutan nila yung babaeng busy sa pagkalikot sa cellphone. Dahil wala itong focus sa paligid niya ay hindi napansin na madudukutan na siya. mabilis kong kinalabit si Gin. Pabalang niya akong nilingon. "What?!" Asar na tanong niya. Nakafocus parin ang tingin ko sa babae. "Patirin mo yung lalaking dadaam dito." Seryosong sabi ko dito. "Why?" Halata sa tono nito ang pagtataka. I don't need to explain the detail... it's too tiring to explain. "just do it." Madiin na utos ko. Nang saktong nagsitakbuhan na yung mga lalaki daladala yung bag nung babae kanina. Patay malisyang nag iwas ako ng tingin. Nung saktong palapit sila dito ay nakita kong pasimpleng hinarang ni Gin yun paa niya dahilan para tumalsik yung lalaking tumatakbo. "P*ta naman oh! Hoy!" Galit na turo nito kay Gin nang makatayo ito. Medyo malayo ang posisyon nung babaeng ninakawan nila sa amin kaya hindi makahabol iyon. Actually ako lang talaga ang nakakita sa ginagawa nila sa ganoong kalayong pwesto. "HOY KINAKAUSAP KITA!" Sabi nung galit na galit na lalaki. Tahimik lang si Gin maging ako. Mukha yatang naintindihan niya na ang kalagayan namin ngayon. Saktong dumating ang mga kasamahan nitong lalaki at pinalibutan kami. "Aba! Kung sinusuwerte ka nga naman oh? Pre san mo nadali to ah?" Masayang turan nung isang nasa harap ko sa kasamahn niyang napatid ni Gin. "Pinatid ako nitong babaeng to e!" Galit na usal nito. Sa ganoong posisyon ay hinawakan nila kaming dalawa. Apat sila at mukhang mahihina pa sa mahihina. Hindi dapat pag aksayahan ng atensiyon. Napansin ko rin na kalmado lang si Gin. "Mukhang takot na takot na tong dalawa. HAHAHAHAHA! Tamo hindi makapagsalita oh!" Turan pa nung isa sabay halakhalak. "Tss." Tanging nausal ko. Naguumpisa na kasing mambwesit ang mga to e. Ambabaho. Hindi naman sa nanlalait ako pero iyon ang totoo. Hindi na nga kagwapuhan ambabaho pa. Ganito ba talaga mga masasamang loob sa pilipinas?? "Aba pre! Lumalaban tong isang to oh! " Pagkasabi nung isang yun sa kasamahan nila ay sabay-sabay silang nagtawanan. Kalmado lang ako habang pinapakinggan ang pangit ma pagtawa nila. Maya-maya lang ay may kung sinong poncio pilatong sumulpot sa harapan namin at nagfeeling-feeling hero kuno.... napabuntong hininga nalang ako. "Bobo..." ••• Zed's POV Habang nagiisip kung saan kakain ay kung saan saan na ako napadpad. Masyado kasi akong mapili pagdating sa pagkain. Daig ko pa ang naglilihi. Sa di kalayuan ay napansin ko ang mga lalaking nakapalibot sa dalawang babae. Nang mapansin ko na yung babaeng yun pala yung nakaita ko sa eroplano kanina ay natigilan ako. Nung una ay nagataka ako dahil kung bakit sila pinalilibutan nung mga lalaking yun. " Aba pre! Lumalaban tong isang to oh!" Pagkasabi nun ng lalaki ay tsaka ko lang narealize na binabastos sila. Kaya naman nilaksan ko ang loob ko at lumapit sa harapan nila. Napansin kong nakatingin sakin yung babae kanina. Hanggang sa nagulat ako sa narinig ma sinabi nito. "Bobo..." yan ang narinig kong sabi niya. maya maya lang ay napunta sakin ang atensyon nung mga lalaki na nakapalibot sa kanila. "Ano sa tingin nyo ginagawa niyo?" Lakas loob na sabi ko. Nagtawanan lang sila. "Hahahahahaha! T*ng ina pre! Tingnan mo tong g*gong to oh! Kala mo kung sinong superhero! WAHAHAHAHAHAHA!" Natatawang turan nung isang lalaki sa tabi ni miss ganda. "Tigilan niyo nga yang ginagawa niyo! Hindi niyo ba alam na masama yan!?" Sabi ko pa. Ngayon ay natahimik na yung mga lalaki at mukhang galit na. Patay kang bata ka!! Bobo mo ren no Zed!! "Ano bata? Kinakabahan kana ba??" Matapang na tanong nung isa sa kaliwa. Napalunok ako. "Wala pala to e. Tara pre! Dalhin na natin tong mga to." Nung akmang kakaladkarin na nila yung dalawang babae ay nilakasan ko nalang agad ang loob ko at pikit matang sinugod yung isang may hawak kay miss ganda. Sinapak ko ito sa ulo dahilan para mapaupo ito. Nagulat pa nga yung mga kasamahan niya e. "ABAT G*GO RIN PALA TONG ISANG TO E!!" galit na nilingon ako nila tsaka bigla akong sinugod. Dahil sa tatlo silang sumugod sakin ay hindi ako nakalaban. Pinagtutulungan ako ng mga to hanggang sa napaupo ako sa kalsada. Nung nagkawisyo yung isa sa kanila ay nilapitan din ako ng mga. "Ugggh!!" Usal ko ng maramdamang may dugong tumulo sa ulo. Shit! Sana hindi nalang ako nangialam. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay hanggang sa nakaramdam na ako ng panghihina. Nang mapakit ako ng tuluyan ay narinig ko ang biglang pagdaing ng isang lalaking sumuntok sakin. Hanggang sa tuluyang wala na akong naramdamang bumubogbog sakin. "AAAAAGHHHH!!!" "AAAAAAH--" Pinilit kong idilat ang mata ko ngunit hindi ko na magawa... "Tss.. pilingero kasi..." isang tinig ang narinig ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD