Walang imik na inihatid ako ni Henrix sa bahay nina Lola, ang akala ko sasamahan niya ako buong oras ngunit pagkahatid niya sa akin ay agad din siyang nagpaalam na mayroon siyang pupuntahan. Gusto ko man tanungin kung saan ang kaso lang pakiramdam ko, wala akong karapatan. "Kumain ka na muna, apo." Nakangiting lahad ni Lola ng mga pagkaing nasa lamesa na ipinahanda niya sa mga kasambahay. Wala si Lance, nasa school. Ang dalawang kasambahay lang at ang caregiver lang ni Lola ang kasama niya rito. Kahit na busog pa ako ay pinaunlakan ko na ang alok niya, minsan ko lang ito makasama kaya susulitin ko na. Ngiting-ngiti ito habang pinapanuod niya akong panaka-nakang kumakain. "Kamusta na pakiramdaman niyo, Lola?" tanong ko kahit hindi ko na kailangang itanong. Kitang-kita sa kanya na nas