Kinagabihan ng linggo paglabas ko ng banyo ay nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang napaka-gandang gown na kulay pula at isang pares ng silver heels. Lumapit ako sa kama kung saan nakalatag ang magarang kasuotan. Anong mayroon? Kinuha ko ito at tiningnan ang kabuang itsura, it's a slit and backless gown na may disensyong beeds na nakapalibot dito, this style is kinda slutty but screaming for class. Tumagal ang tingin ko sa damit nang biglang bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Henrix kaya nagtatanong ko siyang tiningnan. "Wear them, I have a sudden auction event tonight and you're going with me just to represent yourself as my woman." Ipakikilala niya na pala ako sa lahat kung ganoon? Bigla tuloy ako nakaramdaman ng kaba at pagaalangan. Mas maraming tao, mas maraming manghu