Halos pandilatan ni Bettina ng kanyang mga mata si Luis. Hawak nito ang kanyang kamay habang naglalaro pa ang isang pilyong ngiti sa mga labi nito. Gusto niya pang matigilan dahil sa nais ipahiwatig ng binata. She was not that dumb not to understand what he was trying to say. Nakuha niya ang nais nitong sabihin. At dahil doon ay tinitigan niya ito sa nagsasaway na paraan. "Luis, will you stop this," wika niya pa sa mahinang tinig. Gabi na at nasa loob na ng silid nito ang abuela ng binata. Hindi niya nais na maistorbo ang pagpapahinga nito dahil sa ingay nilang dalawa. Luis just stared at her face mischievously. He looked like a young boy who wanted something. At sa wari ay nahuhulaan na niya kung ano ang nais nito. Hinapit pa siya ng binata palapit sa katawan nito. Ang kamay nitong k