Nakapagpalit na ng damit si Bettina nang dumating sa kanilang bahay sina Gino at Claudette. Tuwang-tuwa ang magkapatid nang malaman ng mga ito ang pag-uwi niya ng San Sebastian. Ang plano niyang paghahanda ng hapunan ay naawat na nang nagmamadaling pumasok ang kanyang mga pinsan sa kanilang bahay. "Bakit hindi ka man lang nagpasabi na darating ka pala?" tanong sa kanya ni Gino. Nakatayo ang binata sa may entrada ng pinto at nakasandal roon habang siya ay nakaupo sa kawayang upuan sa kanilang maliit na sala. Katabi niya si Jaime na kanina ay naipakilala na niya sa mga ito. Si Caludette naman ay sa silyang nasa kanyang harapan nakapuwesto. "Gusto kong magtampo. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na may anak ka na pala?" himig na nagtatampong saad naman ni Claudette sa kanya. Siguro n