Ilang sandaling natigilan si James sa kanyang harapan. Natuon ang mga mata nito sa bagay na nasa kanyang palad. For a moment, she wanted to think that she saw panic on his face. Wari ay nataranta ito. Ngunit saglit lamang iyon sapagkat mabilis din na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kanyang nobyo. Isang matamis na ngiti ang agad din ay namutawi mula sa mga labi ni James bago muling nagsalita sa kanya. "Bettina, I do not think it is important." Kinuha nito ang bracelet na hawak niya at muli iyong inilapag sa ibabaw ng bureau. "Gusto mo ba na lumabas tayo pagkatapos nating kumain? It has been a while since we had a date." Nagdikit ang kanyang mga kilay dahil sa ginawa nito. It was so obvious that he was trying to change the topic. At dahil doon ay mas nanaig sa kanya ang kagustuhan na m