CHAPTER 37

2270 Words

Ilang araw ang matulin na lumipas. Kahit papaano ay maayos na ang kalagayan ni Jaime. Ngunit sa kabila niyon ay hindi pa rin ito nakakabalik sa pagpasok sa paaralan. Mas nais ni Bettina na tuluyan muna itong magpagaling lalo pa at bakas pa rin sa katawan nito ang mga sugat na nakuha nito mula sa aksidente. Si Bettina naman ay muli nang pumasok sa Villamor Italian Cuisine. Matapos ng ilang araw na pagbabantay niya at pag-aalaga sa kanyang anak ay nagpasya na siyang bumalik sa kanyang trabaho. Maya't maya pa rin ang pagtawag niya sa kanilang bahay kapag nasa restaurant siya upang i-check ang kalagayan ni Jaime. Naroon ang kanyang ama upang samahan ang kanyang anak. At kahit pa alam naman niya na hindi nito pababayaan ang apo nito ay hindi pa rin siya matahimik. Mula nang mangyari ang aksid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD