Pagkaalis ni Luis ay tuloy-tuloy na pumasok sa kanyang sariling opisina si Bettina. Upon entering her office, she walked towards her table. Doon ay itinukod niya ang kanyang dalawang kamay at nahahapong napabuntong-hininga na lamang. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niyang pag-udyok kay Luis na tanggapin nito ang alok ng kanyang ama. Ni hindi niya rin alam kung tama rin ba na sumang-ayon siya sa gusto nitong sabayan niya ang binata sa pagkain ng hapunan mamayang gabi. Labis niya itong iniiwasan sa mga lumipas na araw. Tama ito nang sabihin na sa San Sebastian pa lamang ay talagang iniiwasan na niya ito at wala siyang pakialam kung napapansin man iyon ng binata. Nais niyang maging matatag sa pasya niya na layuan ito. Hangga't hindi pa siya handa na ipaalam kay Luis ang tungkol sa