"What was that, Luis? Ano ba ang nangyayari sa iyo?" agad na puna sa kanya ni Atty. Manzano nang makalabas na sila mula sa court room. Nasa tinig nito ang paninita at ang hindi maitagong panggagalit para sa kanya. He was talking like an eldest brother to him. At kahit ganoon ang uri ng pakikipag-usap sa kanya ni Atty. Manzano ay hindi makuhang mayamot ni Luis para sa abogado. Napabuga na lamang siya ng malalim na buntong-hininga. Kakatapos lamang nga ng unang pagdinig para sa kasong kinasasangkutan niya, ang pagpatay kay Samantha Jimenez. At alam niya kung ano ang ikinakagalit sa kanya ng abogado niya. It was the way he acted a while ago inside the court room. Nasa may pasilyo na sila palabas ng gusali. Saglit ay nahinto sila sa paglalakad nang punahin siya ni Atty. Manzano. Maging sina