Balot ng katahimikan ang loob ng court room nang makapasok silang lahat. Si Luis ay nakaupo sa unang hilera ng mga upuan. Katabi ng binata ang abogado nito. Samantalang sina Vincent at Ysabella ay nakapwesto naman sa likuran bahagi ng dalawa. Sa kabilang hilera ay katabi ng kanyang kasintahan ang mga magulang nina Samantha at Blake. Nasa likuran ng mga ito si Blake habang siya ay tahimik lamang na nakaupo sa pinakahulihang upuan sa bahagi ng mga ito. Bettina stared at Luis. Kausap ng binata ang abogado nito sa halos pabulong lamang na paraan. Hindi niya maiwasang makadama ng awa para dito. Wala dapat ito sa ganoong sitwasyon. Hindi naman dapat ito masangkot sa kasong iyon. Until moments later, Luis turned his head to look at her. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya mawari ngunit m