"Hindi ako sasagot sa ano mang tanong ninyo hangga't hindi dumarating ang abogado ko," mariing saad ni Luis sa dalawang pulis na nasa kanyang harapan ngayon. Kanina nga ay patungo na sana siya sa isang site nila sa may Gulod nang bigla ay dumating ang dalawang sasakyan na kinalulunaran ng ilang kapulisan. Dalawa lamang sa mga iyon ang bumaba at lumapit sa kanya upang kausapin siya. Labis niyang kinabigla ang mga sinabi nitong patay na si Samantha, ang babaeng pinaniniwalaan niyang karelasyon ng nobyo ni Bettina. Lubos pa na nakapagpagimbal sa kanya ay ang katotohanan na sadyang kinitil ang buhay ng dalaga. And what's worst was when the policemen said that he was tagged as the suspect to what happened to her. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kinalabasan ng nangyari kay Sam