Nang sumunod na araw ay nagtungo na si Bettina sa Villamor Italian Cuisine upang magtrabaho. Sinalubong siya ng magalang na pagbati ng kanilang mga empleyado bago siya nagtuloy na sa kanyang opisina. Umaga pa lang ay muli na niyang sinubukan ulit na tawagan si James. She was totally distracted by the news last night. Kaya naman hindi na niya muli pang nasubukan na tawagan ang kanyang kasintahan. Nasa kanyang opisina na siya sa pag-aari nilang restaurant nang muli niyang i-dial ang numero nito. Halos makahinga pa siya nang maluwag nang sa wakas ay tinugon nito ang kanyang tawag. "James..." aniya dito. "Finally, sinagot mo rin ang tawag ko. Kagabi pa kita tinatawagan." "Hon, I have been so busy kaya hindi ko nagawang sagutin ang mga tawag mo," wika nito sa kanya mula sa kabilang linya.