Chapter 5

3420 Words
Chapter 5 RHEA’S POV Nagising si Rhea sa liwanag na dumapo sa balat niya. Minulat ang mata at umupo sa malambot na kama. Ginala niya ang tingin sa paligid at wala na doon si Chase. Malaki nag silid nilang dalawa ni Chase. Pinag halong white and dark brown ang pintura sa kwarto nilang mag-asawa. Sa bandang kanang naroon naka-lagay ang walk-in closet nilang mag-asawa, banyo sa kanan at ilan pang mamahalin na gamit nila naroon. Mayron din na malawak na couch na pwede kang maupo at tumambay at sa tabi ang malaking kama kong saan sila natutulog na dalawa. Anim na taon na silang nag sasama ni Chase sa iisang bubong at hindi niya ako tinuring na asawa. Nang malaman kong nag dadalang-tao na ako sa aking anak, doon napag kasunduan na ipakasal kaming dalawa ng kanyang Ama. Tutol si Chase sa naging desisyon na ikasal kami. Saksi din ako kong gaano ito nagalit sa naging desisyon ng kaniyang Ama at nakipag-away na iurong sa naging plano na aming pag-papakasal. Nang sandaling iyon– sinumbat sa akin ni Chase ang masasakit na salita at kong ano-ano ang binato sa akin, na pinag planuhan ko daw ito. Pinag planuhan kong akitin siya at mangyaring mabuntis ako sa maling panahon. Walang araw na hindi ako umiiyak sa tuwing naalala ko ang panahon na pinag samantalahan niya ako ng gabing iyon. Wala akong magawa dahil naging mahina ako. Naging marupok at nag padapa ako sa nararamda ko para sakanya. Hanggang sa kinasal kami ni Chase, nag simula na itong naging malamig sa akin. Naging matabang na din ang pag trato at pag tingin nito. Hindi lamang sumbat, galit ang hinarap ko sa asawa ko kundi physical na pananakit at pag-bubugbog. Sinisisi niya ako dahil sa pag sisira ko ng pag sasama nilang dalawa ni Claire. Sinusumbat niya sa akin kong bakit umalis si Claire, at iniwan siya nito. Lahat ng sisi at masasakit na paratang, sinumbat niya sa akin. Pero lahat nang iyon, tiniis ko dahil mahal ko ang asawa ko. Ayaw kong umalis siya at magkahiwalay kami. Kahit ganito ang tingin niya sa akin, kahit bugbogin niya man ako. Tatanggapin ko para lamang hindi masira ang pag sasama naming dalawa. Nabalik sa realidad si Rhea nang marinig ang mabigat na yabag ng paa. Nasa harapan ko si Chase, tanging mapng na pantalon ang suot nito at tinernuhan ng puting v-neck na damit kaya’t bumakat ang makisig at maganda nitong katawan. Sa tuwing nakikita at lumalapit si Chase sa akin, bumibilis kaagad ang t***k ng aking puso. "Pack your things.” Seryoso nitong tinig. "Huh?" Nag kasalubong ang kilay ko sa sinabi nito–nag tataka kong bakit niya ako pina-paimpake nang gamit. Sa pag muni-muni ni Rhea, pumasok sa isipan ang ibig nitong ipa-hiwatig. Pina-palayas niya ba ako? Hindi niya na ba ako kailangan? Hindi niya, na ba ako mahal? "B-Bakit?" Nauutal kong sambit at pilit kong hinuhuli ang kanyang titig. "P-Pinapalayas mo na ba ako? H-hindi mo na ba ako mahal C-Chase?" Uminit na ang sulok ng aking mga mata sa labis ng takot. Kinakatakutan ko na balang araw, aalis siya sa buhay ko. Natatakot akong mawala siya at iwan kami. "M-May mahal kana bang iba? May nagawa ba akong pag kakamali? S-Sabihin mo sa akin at itatama ko lahat, basta huwag mo lang ako paalisin, Chase."Nanubig ang mata ni Rhea, mahirap para sakaniya na mag kahiwalay na sila. “Huwag mo itong gawin Chase, huwag mo naman akong paalisin ng ganito. Mahal kita at ayaw kong masira ang pamilya nati—-“umiyak na si Rhea sa harapan nito. "The hell, no!" Natigilan ako sa pag drama sa sinabi nito. "Ano bang pinag- sasabi mo? Anong pinapalayas? Hindi kita pinapalayas, Iyak ka nang iyak. Hindi ka man lang nag tatanong sa akin kong bakit kita pina-paimpake, stupid!" Pinunasan ni Rha ang pisngi at sumisinok pa siya sa harapan ng asawa. Nakaka-hiya man, pero wala na eh. Naiyak na ako sa harapan niya. "Tumawag saakin si Mama. Doon muna tayo sa kanila ng dalawang araw.” Anito. “And get yourself useful Rhea. Huwag na huwag mo akong papahiyain kay Mama, nag kakaintindihan ba tayo?” Malamig na paliwanag nito. Ano? Pupunta kami sa bahay ng kaniyang mga magulang? Hindi gusto ni Rhea ang idea na mananatili sila ng ilang araw sa bahay ng mga magulang nito. Hindi lamang sa ayaw ko–hindi lamg talaga ako komportable. Lalong-lalo na ang Ina nito. Aalis na sana si Chase–kaya’t mabilis na bumangon sa kinahihigaan si Rhea at humarang sa asawa. Iritado na hinarap ako ni Chase. "What are you doing?" “Chase.” Habol ko ng hiningga. Paano ko ba sasabihin sakaniya, na hindi siya magagalit? "B-Baka pwede hindi ako sumama. Isama mo na lang si Andrius, papunta sa bahay ng Mommy mo.” Kahit mahina, sapat na para marinig ng asawa ko ang sinabi ko. Hinanda na ni Rhea ang magiging reaksyon nito. Iniiwasan talaga ni Rhea na mag krus sila ng landas ng Ina nito. Labis na naapektuhan ang Ina ni Chase na si Tita Elizabeth nang malaman nitong nag kahiwalay si Chase at si Claire. Saksi si Rhea na umiyak ito sa galit na malaman na ikakasal ang anak niya sa isang katulad kong dukha. Galit na galit si Tita Elizabeth at hanggang ngayon hindi niya kami matanggap ng anak ko para sa kaniyang anak. “Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo?” Malamig nitong saad. Iniiwasan ni Rhea talaga na magalit ito. "M-Marami pa kasi akong aasikasuhin dito sa bahay, kaya’t hindi ako makakasama sainyo. Ihahanda ko na lang ang damit ni Andrius para sa pag-alis ninyo mamay—-" pag dadahilan ko para hindi na sya magalit pa saakin. "Dahil ano? Makikipag kita ka sa lintik mong kabit? Iyon ba iyon, Rhea?!" Tumaasa ang boses nito–sabay hinakbang ang paa palapit sa akin. Wala ako sa sariling hinakbang paatras ang aking mga paa sa takot, na maabutan dahil tiyak na sasaktan niya muli ako. "H-Hindi Chase," kinakabahan kong sambit. "W-Wala akong iba. Hindi iyan ang ibig kong s-sabihin.” "Then, tell me what the f****d it is?!" Bulyaw nito sa galit at hindi na ako komontra pa. "Sasama ka sa akin, sa ayaw at sa gusto mo!" Duro nito at tumango na lang ako dahil ayaw kong humaba pa ito. "O-Oo C-Chase.” Nawalan na ng laway sa lalamunan si Rhea sa takot. Hindi na kumibo pa si Chase, at nag lakad na lang ito palabas nang aming silid. Sunod ko na lang narinig na pabagsak nitong sinarhan ang pinto sa silid namin–na maka-hingga si Rhea nang maluwag. ***** Saktong alas onse pa lang ng tanghali, nang maka- rating na kami sa Mansyon ng mga magulang ni Chase. Medyo may kalayuan din ang bahay nito sa amin kaya't paminsan lang kami nakaka dalaw dito. "Welcome back po, Ma'am and Sir" bati ni Aling Beth ng maka- pasok kami. Si Aling Beth, ang matandang katulong at pinag- kakatiwalaan sa mansyon. 50 years old na ito at isa ito ang Mayordoma sa Mansyon. Ginala ni Rhea ang tingin sa buong paligid. Kulay puti ang pintura sa pader at pinag halong brown. Maganda at mamangha ka dahil maganda ang pag- kakagawa at disenyo ng mansyon na tila ba dinala ka sa vibe, ng mga palasyo na napapanuod ko sa telebisyon. Nang maka- rating kami sa napaka laking living room, doon bumungad sa akin ang dalawa at nag kikislapang magagandang chandelier na nag paagaw ng aking atensyon. Sa kanang bahagi nandoon ang kulay gold and white na malaking couch, TV, piano sa isang tabi at sari-saring mga antique na mga paintings at kong ano-ano pa. Napaka laki ng mansyon na may dalawa iyon na palapag. Napaka- rami din na kwarto sa itaas at ang ilan sa parte ng Mansyon hindi ko pa talaga napapasok o napupuntahan. Sampo ang katulong nila sa Mansyon, dalawang hardenero, 2 guard at 2 chef ag kong ano-ano pa. Mayron silang Isang napakalaking kwarto na pwedeng-pwede ka manuod ng movies, lakas maka vibes na tila ba nanunuod ka lamang sa sinehan. May Library din sila, private infinity pool sa rooftop, Office room, Taki Bar at kong ano-ano pa. Sabi nila marami pa daw na magagandang puntahan at e-explore ang bahay ni Tita Elizabeth, pero hindi pa naman niya iyon nakikita dahil pangalawang beses pa lamang siya naka- punta dito. Believe it or not, yes! Tama kayo ng pag kakabasa. Ito pa lang ang pangalawang pag kakataon na maka- punta sa bahay ng mga magulang ng aking asawa. Ayaw ko nang alalahanin pa ang unang beses na maka-punta ako dito, dahil hindi good memories iyon. Rinig ko kay Chase na mahilig ang Mommy niya na mag collect ng mga antique na stuff at painting, kaya't nag sikalat ang mga koleksyon nito kong saan-saan. Samantala naman ang asawa nito na si Tito Ferdie, ay bihira mo lamang makita o maka- usap dahil napaka workaholic nito sa trabaho. Parati ito nasa business trip o namamalagi sa kompaniya. Katuwang ni Tito Ferdie si Chase sa pag ma-manage ng kanilang business. "Where's Mom?" Ginala ni Chase ang mata para hanapin ang Ina. Samantala naman nasa likuran niya kami hawak ang kamay ni Andrius. "Nandoon po si Ma'am sa lobby, kanina pa nila po kayo hinihinta-" hindi na natapos ni Manang ang sasabihin nang may suminggit. "Chase. Oh my! You're finally here!" Bati ng bagong dating. Palapit sa amin ang babaeng mistesa ang kutis–suot ang mamahalin na kasuotan. Dark shades ng make-up sa mukha ng Ginang na mag mukha itong mataray at nakaka-takot na kontrabida. Naka-tali ang buhok nito–balot na balot nang mga nag kikislapang palamuti at alahas ang katawan nito. Kahit ang galaw at kilos nito, sobrang arti din. "Masaya ako at pina-unlakan mo ang imbetasyon kong pumunta ka dito Chase.” Binigyan ng mainit na yakap ang anak, na mukhang matagal niya ito hindi nakita at naka-sama.. Si Chase na ang unang kumalas ng pag kakayakap nilang dalawa, na ngayon hindi na masukat ang matamis na ngiti ng Ginang ng makita muli ang kanyang anak. "Akala ko, hindi kana pupunta, nag handa ako ng masasarap na pag kain para sa'yo na tiyak na magugustuhan m---"nawala ang matamis na ngiti sa Ginang nang madako ang tingin nito sa akon sa likod ni Chase. Iyong maganda at masaya nitong ngiti, napalitan ng pait at galit. Titig na ayaw niya akong makita. Titig na nag palambot ng tuhod ko sa labis na takot. "Hindi kaman lang nag sabi sa akin na mag dadala ka ng linta sa pamamahay ko Chase.”Parinig na sita nito sa anak. Masakit para sa akin na harap-harapan niya pa talaga ipapamukha iyon. Tanggap ko naman na kahit anong gawin ko hinding-hind niya ako matatanggap para sa anak niya. Binabato niya ako ng maanghang na salita at pang- mamaliit sa pagkatao ko. Pinapamukha niya sa akin kong gaano ako walang silbi para sa anak niya. Nag crossed arms si Elizabeth at ang isa nitong kilay naka-taas na. “Anong klase bang fashion ang suot mo ngayon Rhea? Ano yan basura? Uso ba iyan?"Insulto ang gumuhit sa tinig ng Ginang na sinusuri ang damit ko. Simpleng kupas na pantalon at simple lamang na tshirt iyon. Hindi rin ako nag lagay nang kong anong koloriti sa aking mukha, kaya pansin ang pag kaputla at ng aking kutis at labi. “S-Sorry po.” Yumuko ako para hindi salubongin ang mata nito sa galit. "Ts. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa’yo Rhea?" bahagya itong napa buga ng hangin at tinignan muli ako ng kay sama. "Galing ka pala sa isang mahirap na pamilya at hindi mo kayang bumili nang magagandang damit. Nakakaawa ka naman!" Pagak nitong napa- tawa. Kinuyom ko na lamang ang aking kamao sa tindi ng pang gigil at pag titimpi. Grabe na. Grabe na ang pag iinsulto niya sa pag katao ko. Niyuko ko na lang bahagya ang aking ulo para iwasan ang nag babaga nitong mga mata sa galit. Ayaw ko nang gulo, kaya't ako na lang ang iiwas. "Mommy.” Takot na sinisiksik ni Andrius ang katawan sa akin, kahit na rin ito takot sa Ina ni Chase. “Mom!” Saway ni Chase dito. “Ay basta. Sa susunod Chase, huwag kang mag dadala ng parasite dito sa papamahay ko Chase, dahil alam mo naman na hindi ko iyon gusto!" Dagdag pa nito. “Wala na akong magagawa, dahil nandiyan na iyan. Manang Beth.” Mabilis naman lumapit si Manang Beth na naka-tayo malapit sa amin. "Y-Yes po Mam?" Kinakabahang sambit ng matanda at lumapit ito kay Tita Elizabeth. "Gusto kong i-sanitize niyo lahat ang sahig, ang mga gamit at lahat-lahat, bawat kanto ng pamamahay ko!" Matigas at ma awtoridad nitong utos sa kasambahay. "Baka kumalat pa ang masamang mikrobyo dito sa pamamahay ko, dala ng mga pulubing babaeng iyan.” Nanikip ang dibdib ni Rhea sa katagang binitawanan nito. "P-Po?" Kahit na rin ang katulong nagulat sa naging utos.. "O-Opo yes Mam.” kinakabahan na lintarya nito, na halatang napilitan. "If you need someting Chase, iutos niyo na lang kay Manang Beth. Naayos ko na rin ang dati mong silid, maari kanang pumunta doon para mag pahingga..Kailangan kong umalis ngayon dahil may mahalaga akong pupuntahan.” "Okay Mama. Bye" bago umalis si Tita Elizabeth, nag paiwan muna ito nang matalim na titig kay Rhea, at sunod mo na lang marinih ang yabag ng heels na suot nito. Nabunutan ng tinik at pasan sa dibdib si Rhea nang masiguro na naka-alis na nga ito. "Just don't mind her," pabulong na saad ni Chase, na kanina pa pala ito naka-masid sa akin. Inagaw ni Chase ang bitbit kong bag na lamang gamit namin. "Ako na ang mag d-dadala niyan." Aagawin ko sana kaso nilayo niya naman kaagad iyon. "Ako na Rhea.” Giit nito at hindi na ako nakipag-talo pa. “Manang, pakidala na lang si Andrius sa magiging kwarto niya" malamig na utos ni Chase sa matanda. "Opo Sir.”Lumapit ang matanda sa gawi ni Andrius. "Tara na, Andrius.” aya ni Manang dito. Yumakap nang mahigpit si Andrius sa binti ko na ayaw lumayo sa akin. Takot na takot ang mukha ng bata. "Tara na,Andrius ihahatid kita sa magiging kwarto mo. Maraming toys doon.” Kinukumbinsi pa rin ito ni Manang na sumama sakaniya. Lalo lamang humigpit si Andius na yumakap sa akin–sabay tinggala. "Mommy.” Sumbong nito. "It’s alright, sumama kana Bikoy. Mabait iyan si Manang Beth." "Come her.”Hindi inaasahan ni Rhea na lumapit si Chade at kinarga si Andrius. Kahit na rin ang anak ko, nabigla sa biglang pag-karga sakaniya. "Ako na mag hahatid sa kwarto mo,” "P-Pero Chase,” habol kong tawag sa asawa ko. Nasa kalagitnaan na sila ng hagyan nang tumigil si Chase sa pag lalakad. Ganun na lamang ang kabog ng aking dibdib ng mag tama ang aming mga mata. "Ano pang hinihintay mo? Hindi kaba susunod, Rhea?” Panunuplado nito sa akin, kaya’t ako mapa-kurap. "O-Oo, susunod n-na.”Taranta na sumunod sa aking mag-Ama. Hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Rhea dahil ito ang kauna-unahang kinarga nito si Andrius. °°°°°°° "Mommy, gusto ko pa po ng cookies.” Nag pout si Andrius. Nasa kusina sila at kasama ni Rhea ang ilang mga katulong doon. "Pero hindi mo pa nauubos ang cookies sa kamay mo, Bikoy." Nilagay ni Rhea ang tinimplang kape at cookies sa tray. "Ubusin mo muna iyan na cookies mo, at saka kita bibigyan, okay?”Imbes na matuwa, napa-simanggot na lang ito sa akin. "Pero Mommy, bigyan mo pa ako ng marami. Pretty please po?” Hindi nila mapigilan ni Manang Beth ang mapa-ngiti sa kabibuhan ng anak. Lingid kasi na paborito talaga ni Amdrius ang matatamis, gaya nang cookies at lalo na ang cake. Dala na din ng pag ka bored ni Rhea sa bahay, kapag mag-isa ako. Sinimulan kong subukan na mag mag bake ng kong ano-ano dala sa panunuod niya ng video tutorial sa youtube. Una kong bi-nake noon ang pag gawa ng tinapay, sa una hindi naging madali dahil baguhan pa lamang ako hanggang sa inaral ko ng mabuti ang pag gawa. Hanggang ngayon, natutunan ko na ang pag gawa ng cake, cookies at tinapay. "Ay, ang cute nang batang ire!" Naka ngiting sambit ng matanda, at marahan kinurot ang maumbok na pisngi ni Andrius na sanhi mapa nguso ito. Umasim ang mukha ni Andrius sa oag Kurot sakaniya ni Manang. Ayaw kasi nitong kinu-kurot sa pisngi o tinu-tukso. Kumuha ng maliit na plates si Rhea at doon nilagay ang konting cookies na hini-hinggi ng anak at sabay abot dito. “Here bikoy,basta uubusin mo lahat iyan. Ayaw kong nag sasayang ka ng pagkain, okay?" paalala ko pa. "Yes, I will Mommy. Thank you!” Nag salute pa ito at patakbong lumabas sa kusina. "Ang cute cute talaga ni Andrius, Mam Rhea.” Kwento ni Manang. "Hindi malalayo na mag kamukha silang dalawa ni Sir Chase..Naalala ko pa noon na ganiyan kabibo at kabait na bata" natatawang kwento nito at hindi ko mapigilan na mapa- ngiti na inaalala nito ang pag kabata ni Chase. "Opo nga Manang,” "Kamusta na kayo ni Chase Hija? Ganun pa din ba ang trato niya sa’yo?” Humarap ako sa matanda na tila ba hinihintay ang aking sagot. "Okay naman po kami Manang,” pilit akong ngumiti para itago ko ang nangyayari sa aming dalawa ni Chase. "Mabait na bata yan, si Chase. Ilang taon ko siya at ako nag palaki sakaniya kaya't kilala ko ang ugali nang batang iyon.. Hayaan mong mag lalambot din iyan sa’yo" hindi na lang ako kumibo at nginitian ko na lang ito. Sana nga po Manang. Umaasa ako na balang araw mamahalin niya din ako. Kaming dalawa ng anak ko. "Sandali lang Manang, pupuntahan ko muna si Chase sandali sa itaas. Baka gising na siya.” Paalam ko at kinuha na ni Rhea ang tray lamang meryenda na hinanda ko para dito. Nang maka-rating kami kanina sa Mansyon–naka-tulog kaagad ito siguro sobrang napagod kanina sa pag mamaneho at katambak na ginagawa na trabaho. Hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi ni Rhea na tinatahak ang ikalawang palapag papunta sa silid nilang dalawa ni Chase. Naka-salubong ko ang ilang katulong at ngini-ngitian na lang nila ako sa makaka-salubong ko sila. Pag tapat ni Rhea sa silid nilang mag-asawa, naka-awang ng konti naka-bukas ang pinto ng pintuan. Panigurado gising na ito. Hahawakan na sana ni Rhe ang seradura–bigla siyang natigilan nang marinig ang familiar na boses sa loob ng silid. Pina-kikiramdaman ko at pilit na inuunawa kong ano ang sinasabi ni Chase, na para bang may kausap ito sa kabilang linya. Sa labis na kuryusidad, nilapit ni Rhea ang taenga sa pinto para marinig ng klarado ang usapan. "Look, I'm sorry okay? I'm so sorry.” Tinig ni Chase sa kausap. Nilalambing niya ito para hindi magalit. Mahina lamang ang boses na halatang ayaw iparinig sa ibang tao ang kanilang pag-uusap. “I'm so sorry babe, kong hindi kita natawagan kanina. Naka- tulog kasi ako ng pag dating namin kina Mama.” May dumagan na mabigat na bagay sa puso ni Rhea ng marinig ang binigkas na salita ni Chase. Babe? Sino kausap niya? Bakit babe? May iba ka ba Chase? "Huwag kanang magalit sa akin babe. I will make it up to you?" Uminit ang sulok ng mata ni Rhea na pina-pakinggan ang kanilang pag-uusap na dalawa. Sobrang sakit na pina-patay ako na marinig ang pag-tataksil niya sa akin. Paano niya nagagawa ito? Paano niya nagagawa sa akin ito? "Okay, babawi na lang ako sa’yo pag uwi ko. I miss you so much babe." Ang sakit. Hindi ko alam na mas masakit pa pala ito sa inaasahan ko. Tumingala ako para pigilan ko ang luha na nag babadyang tumulo. Hinawakan ko rin ang dibdib ko dahil feeling ko, wasak na wasak na ang puso ko na hindi na ako maka-hingga sa sakit. Parang hindi ko na atang kayang pigilan pa ang sakit at nararamdaman ko dahil hindi ko matanggap na may iba siyang mahal. Hindi ko matanggap na may babaeng nag papaligaya sakaniya ngayon. Hindi ko matanggap na may kaagaw ako sa puso at buhay niya. I want to burst out of cryingz "Bye. I love you.” Sagot niya bago pinatay ang tawag at kasunod ang pag patak ng luha na kanina ko pa pini-pigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD