Chapter 4

1166 Words
RHEA’S POV "C-Claire?" mahina na bulong ni Rhea na hindi inaalis ang tingin sa kaibigan. Namutla at hindi makapag-react si Rhea sa bilis na pangyayari ngayon harap-harapan si Claire matapos ang ilang taon na hindi niya ito nakita. Umuwi ang kaibigan ko? Kaylan? Bakit hindi ko alam, naka-uwi siya? Maraming nag lalaro na katanungan sa isipan ni Rhea, nanaig pa din ang saya na makita ang kaibigan matapos ang mahabang panahon. Palihim niya itong inobserbahan–malaking pinag bago si Claire sa pangangatawan at kahit na rin ang kilos at galaw nito ibang-iba na rin. Nanabalutan ng mamahalin na kasuotan ang katawan nito, ganun din ang alahas at branded na gamit. Biglang na-miss ni Rhea ang panahon na okay pa sila noon ni Claire. Palangiti at masayahin ang kaibigan niya, at ito ang sandalan niya kapag mayron man siya na problema. Si Claire ang takbuhan niya kapag gulong-gulo na siya sa sarili. Nakaka-lungkot lamang na hindi ko na magagawa kong ano man ang ginagawa namin noon. "Ikaw ba Claire? Ikaw ba ang walang- hiyang gustong sumagasa sa kaibigan ko?!" Nilapit pa ni Jenny kay Claire, nag hahamon ng away dito. "Ano bang problema mo ha? Ano? Balak mo ba syang patayin? Nababaliw kana ba ha?” Walang bakas na emosyon at sindak si Claire sa kaibigan ko. "Oh, sorry naman.” Kahit pag-hinggi ng sorry, hindi pa rin bukal sa kalooban nito. Ginulo ni Jenny ang buhok, hindi nagustuhan kong ano man ang naging sagot ni Claire "Sorry? At hindi pa talaga bukal sa kalooban mong huminggi ng kapatawaran sa kaibigan ko?" Namuo na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. "Sa tingin mo ba magiging maayos ang lahat sa simpleng 'sorry' mo? Oh, come on Claire.” Anito. “Humanda ka at idedemanda kita!” Humawak na si Rhea sa kamay ng kaibigan para awatin lamang ito. Dakilang palaban at walang inuurungan ang kaibigan kapag nakikita nito na nasa tama ang pinag-lalaban nito. Iniiwasan rin ni Rhea na mag abutan pa silang init pareho nang ulo at baka saan pa mapunta ang gulong ito. "Jenny, t-tama na. Umalis na tayo.” Pakiusap ko pa dito—heto’t deneadma pa rin ako ng kaibigan at patuloy itong nakikipag batuhan ng maanghang na salita kay Claire. "Ako? Ipapa- demanda mo? Hindi ako natatakot sa’yo. Sino ka ba para matakot ako sa’yo? Importante ka bang tao? Pangulo ka ba?” Hirit pa na sagot ni Claire. "Hindi ko naman kasalanan kong tatanga-tanga iyan na kaibigan mo. Siya ang pag sabihan mo, at huwag mong ibuntong sa akin ang katangahan niya!” Parinig nito sa akin. Ako ba ang sinasabihan niya ng tanga? Wow ha! Sasagot sana ako kaso, inunahan na siya nang kaibigan. "Hoy sinong tanga?” Tinulak nang malakas ni Jenny si Claire, kaya’t napa-atras ito. Umaapoy na rij sa galit ang mata ni Claire, sa naging pag-tulak nito sakaniya. “Huwag na huwag mong tatawagin na tanga ang kaibigan ko, kong ayaw mong ipakain ko sa’yo ang sinasabi mo!" Banat nitong muli. “Hindi nga ba?” Anito. “Huwag niyo akong sisihin sa mga katanghan niyo, dahil ang driver ko ang nag maneho nang sasakyan ko at hindi ako. Kong may reklamo kayo, mag sumbong kayo sa pulis at wala din akong pakialam kong mag demandahan man tayo sa korte! Hindi ako natatakot sainyo!” "Talaga lang huh? Oh. Sige. Idedemanda kita at wala akong pakialam kahit yong lintik mong driver ang nag maneho nang sasakyan mo!” Imbes na makipag-sagutan pa si Claire. Ngumisi na lang ito at tinalikuran na kaming dalawa–na hindi naman nagustuhan ni Jenny ang naging akto nito. "Amputa. Ang bastos mo.” Patuloy na kuda ng aking kaibigan na sinusundan ito paalis. "Saan ka pupunta? Harapin mo ako, walangya ka! Huwag mo akong tinatalikuran habang kina-kausap kita Claire, huwag kang bastos.” Parang bingi na sumakay si Claire nang sasakyan at hindi pinansin ang pag bubunganga ni Jenny. Hindi pa nakuntento si Jenny, pinag hahampas nito ang harap ng sasakyan ni Claire para lumabas ito.. “Lumabas ka sa sasakyan at harapin mo ako Claire. Ano ba!” "J-Jenny. Tama na, nag mamakaawa ako." Umawat na si Rhea sa kaibigan para tumigil na lamang ito sa eskandalo. “No,” giit nito. “Hindi ko papalampasin ang retokadang babaeng iyan.” Pinag sisipa at hampas ni Jenny ang itim na sasakyan. “Jenny, tama na.” Mabilis na pina-harurot ang itim na sasakyan palayo sa amin, tangi mo na lang marinig ang matinis na sigaw ni Jenny sa galit na naka-alis na ito. “Tangina talaga. Saan kayo pupunta? Bumalik kayo dito. Pakyu!” "Jenny, tama na." Awat niya pa din dito- na nangamatis na ito sa galit. Ang mga tao sa paligid hindi maalis ang maka-hulugang titig saaming dalawa at ang iba pa doon nag bubulungan pa. "Bwisit!” Himutok na hinahabol na hiningga ni Jenny. "Sa sunod na makita ko ang walangyang babaeng iyon. Sisiguraduhin ko talaga na kakalbuhin ko iyon! Ang lakas ng apog na sagasaan ka.” Kahit nawala na ang sasakyan ni Claire–hindi pa rin maalis ang mata ni Rhea sa dinaanan nito. Si Chase ba? Si Chase ba ang dahilan kong bakit ka bumalik, Claire? Sana mali ang iniisip ko. May takot at pangamba sa puso ni Rhea, na bumalik na ang unang babaeng minahal ng asawa ko. CLAIRE’S POV Perinting naka-upo sa couch si Claire nilapag sa lamesa ang hinandog na regalo sa lalaking nasa harapan niya. Si Jay-Ar ang family driver at katiwalang tauhan ni Claire. “Take it.” Senyas po pa dito. Nag tataka man, kinuha pa rin ang envelop at sinilip ang laman no’n. “Ano po ito, Mam?" "Bonus mo.” Nag dekwarto si Claire sa kina-uupuan kaya’t nalantad ang magandang kutis nito sa manipis na kasuotan. “Isipin mo na lang regalo ko sa’yo dahil mahusay ang pag mamaneho mo kanina. Sinunod mo ang pinag-uutos ko sa’yo na sagasaan mo ang pinaka-mamahal kong kaibigan.” Malilikot ang mata ni Jay-Ar–yumuko at ayaw salubongin ang titig ng Amo. “Hindi ko ito matatanggap Mam Claire, sa katunayan hindi ko naman talaga, nagawa nag pinagagawa niyo sa akin kanina. Hindi ko p——“ tinaas ni Claire ang kamay para pahintuin ito sa pag sasalita. Gayunpaman na hindi nito nagawa ang utos ko–malaking bagay na rin iyon para kay Claire. Makita niya lang na namumutla na sa takot si Rhea kanina– sapat na iyon para maka-bawi sa ilang taon na pananakit niya sa akin. Pinag-laruan sa kamay ni Claire ang champagne glass. “Tanggapin mo na Jay-AR. Isipin mo na lang na kabayaran ko na rin iyan sa mga susunod kong ipapagawa sa’yo.” Makamandag na ngumiti si Claire, nag lalaro sa kaniyang isipan ang plano para sa kaibigan. Sinisimsim ni Claire ang laman ng wine at may ngisi na nabuo sa kaniyang labi. Mag hintay ka lang Rhea. Isa-isahin kong kukunin sa’yo pabalik ang mga kinuha mo sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD