Chapter 7

1965 Words
Chapter 7 RHEA'S POV "Dahan-dahan lang sa pagkain, Bikoy" sita ni Rhea sa anak na hindi na nito magawang nguyain ang kinakain sa pag mamadaling kumain. "Mala-late na po ako Mommy sa school, maya't-maya narito na po ang school bus." Ininom ang tinimplang gatas ko para sakaniya. "Hindi mo kailangan mag madali sa pag-kain at mabulunan ka. Marami pa naman na oras eh." Hindi na lang kumibo at tinuon na lang ang atensyon sa kina-kain. Parating ganiyan si Andrius, ayaw nito sa lahat ang na-lalate. Kapag may school o mahalaga silang pupuntahan, maaga talaga itong gumigising at kong minsan pa nga–si Andrius ang gumigising sa akin. Namana ni Andrius ang ugali ni Chase na on-time palagi na kumilos. "Sorry po Mommy." Tinusok gamit ang tinidor ang hotdog at sinubo. "Tapusin mo ang kinakain mo, okay?" Tumango na lang ito at sabay silang dalawa kumain nang agahan. Nang matapos nilang kumain, niligpit na ni Rhea ang mga gamit at hinugasan na rin ang pinggan. Samantala naman si Andrius tahimik lamang itong nag-hihintay sa malawak na sala–inaabangan ang pag dating ng school bus. Ilang minuto na pag-hihintay nila, dumating na nga ito at sinamahan niya ang anak hanggang sa labas nang bahay. Nandon na nga sa labas ang yellow na school bus- may ilan na din na studyante ang naroon at nag-hihintay. Malaking tulong talaga para kay Rhea ang school bus sa pag hatid-sundo ng kaniyang anak. "Mag-iingat ka parati sa school, at makinig ka sa sinasabi ng teachers mo okay? Huwag ka rin makipag-away sa kaklase mo." Inaayos ni Rhea ang naka-sabit na bag sa balikat nito. "Parati niyo pong pina-paalala sa akin iyan Mommy, alam ko na po iyan." Anito. "Mas mabuti nang palalahanin pa kita at baka maka-limutan mo." "Napaka-bait ko kaya Mommy." Proud nitong tinig. "Sabi ng teachers ko, mabait daw ako at hindi ako kagaya sa mga kaklase ko na mainggay sa klase." "Talaga?" Amused kong tinig. "Oo naman po, Mommy." Taas-noo nitong saad. "Basta Mommy, kapag naka-kuha po ako ng awards sa school, gusto kong pumunta tayo ni Daddy doon sa Enchanted Kingdom." "Enchanted Kingdom?" "Kwento kasi ng mga kaklase ko maganda daw doon Mommy at pumunta sila ng family niya no'ng vacation po. Gusto ko rin na pumunta tayo doon dahil marami daw doon na toys,at rides. Gustong-gusto ko din pumunta doon Mommy." Nag ningning ang mata nito sa saya na kinu-kwento kong gaano kaganda ang Enchanded Kingdom. "P-Pero Andrius," Para kay Rhea, hindi naman mahirap na paboran ang hiling nito. Pero kasama namin si Chase? Imposible ata na mangyari iyon. Ayaw ko naman na paasahin at masaktan ang anak ko, kapag nangako ako sakaniya na pupunta kami doon na buong pamilya. "Sige na Mommy, mag promise ka sa akin na pupunta tayo doon." Kagat-labi na si Rhea ng sandaling iyon at hindi alam kong ano ang isasagot kay Andrius. "Hmm Mommy? Sige na po, pumunta na tayo doon." Humawak si Andrius at patuloy akong kinu-kumbinsi. "Okay, okay I promise!" Pangako ko dito. Bahala na. Gagawan ko na lang ng paraan. "Talaga po? Promise mo iyan Mommy, ha? Yehey!"Tumalon-talon pa ito at pumapalakpak. Sino ba naman ako para ipag-kait sa anak ko ang kaligayahan niya? Niyakap ni Andrius nang ubod ng higpit si Rhea "Basta pag bubutihan ko ang pag aaral ko, para maging top ako sa school Mommy. I love you po." Bulong nito at sinuklian ni Rhea nang mahigpit na yakap din ang anak. Madama ko lang ang mainit na katawan nito sa akin–naalis na ang pagod at problema ko. Si Andrius ang lakas ko. "I love you too, Bikoy." Kumalas na ako sa pag-kakayakap naming dalawa. "Ba-bye Mommy." Kumaway si Andrius na tumakbo papunta sa school bus. Naka-ngiti na sinuklian din ni Rhea ng kaway ang anak. Ilang sandali lamang umandar na ang schoool bus. Pumanhik na sa loob si Rhea para ipag-patuloy na ang gagawin. Isang linggo na ang naka- lipas simula no'ng ma operahan ang aking Ama sa Kidney transplat at kasalukuyan itong nag papagaling sa hospital at binabantayan ito ng aking Ina. Ang kapatid ko naman si Tobby, pinag-patuloy muli nito ang pag-aaral sa kolehiyo– sa tulong na rin ng aking Ina nag kumbinsi rin dito. Kong gaano kasaya at kapanatag ang loob ni Rhea sa matagumpay na operasyon ng aking Ina, iyon din naging malamig ang pag-sasama namin ni Chase. Huli ko itong nasilayan no'ng pumunta ako sa Study room nito para hinggin ang aking pabor–mula noon hindi ko na ito nakita at tinuon na lang ang atensyon nito sa trabaho. Sinubukan na i-text at tawagan ni Rhea ang asawa, ngunit hindi ito sumasagot na halatang iniiwasan niya ako. Masakit para sa akin na ganun ang sitwasyon naming dalawa ni Chase, pero nanatili akong nag papakatatag. Sa loob ng anim na taon na pag-sasama naming dalawa ni Chase, hindi naging madali. Kadalasan na aalis ito ng maaga at uuwi naman gabi na– hindi na nga namin ito nakaka-sama ni Andrius kahit sa pag-salo sa hapunan. Kong minsan naman hindi umuuwi si Chase at inaabot ito kong minsan ng tatlong araw—ginugugol nito ang oras sa pag trabaho sa kompaniya. Alam ni Rhea na ginagawa lang ito ni Chase para hindi kami makita ni Andrius, masakit din pala na harap-harapan nitong pina-pamukha sa amin na hindi niya kami mahal. STILL RHEA POV "Good morning po Mam,"iilan lamang iyan sa bumabati kay Rhea na maka-salubong sa malawak na hallway. Naka-tutuwa lamang, na kaakibat na bihira lamang na pumunta si Rhea sa kompaniya ng asawa–kilala siya ng mga empleyado doon. "Good morning din." Tinali na messy bun na buhok ang mahabang buhok ni Rhea. Simpleng sky blue na pantalon ang suot at tinernuhan ng white top tsirt ang ayos niya ngayong araw. Nag lagay rin na pulbos at konting tint sa labi, para hindi naman mag mukhang losyang na dumalaw sa asawa. "Good morning Mam Rhea." Hindi pa rin matapos-tapos ang bati ng empleyado sa akin. Hinawakan ni Rhea na mahigpit ang hawak na paper-bag at sumakay sa elevator. Pinindot na rin ang 38th floor kong saan siya ngayon pupunta. Pinag-halong kaba at nerbyos sa dibdib ngayon ni Rhea, na umaakyat ang elevator sa itaas. Naisipan na i-surprise ni Rhea ang asawa na hatidan ito ng tanghalian. Sinadya talaga ni Rhea na lutuin ang paboritong ulam nito na kare-kare at adobo. Huminto na ang elevator sa floor kong saan paroon si Rhea. Lalong bumilis ang kabog ng kaniyang puso, hindi maiwasan na matakot dahil ito ang pang-apat na beses na dinalhan ni Rhea ng pag-kain ang asawa. Hindi magandang karanasan ang mga naunang tumuntong siya sa Opisina ni Chase at dinalhan ng pag-kain. Sinigawan siya ng asawa at galit na galit ito no'ng huli akong pumunta dito. Palapit nang palapit na si Rhea sa Opisina ng asawa—natanaw niya kaagad ang babae sa counter na ito ang secretary ng kaniyang asawa. "Good morning Cathy." "M-Mam Rhea?" Gulat na parang naka-kita ito ng multo nang makita ako. "Hmm. Nandiyan ba si Chase?"Saad ko. "Pinag luto ko siya ng tanghalian. Nandiyan ba ang asawa ko?" Tumitig si Rhea sa naka-saradong pinto ng Opisina nito. "Si Sir C-Chase po ba?" Nauutal at hindi ito mapa-kali.. "N-Nandoon po si Sir Chase sa conference r-room, Mam." Malilikot na ang mata nito at hindi magawang titigan sa mata si Rhea. Pansin ni Rhea ang panginig ng katawan nito—hindi mapa-kali ng ako'y dumating. Pasulyap-sulyap din ito na tumitingin sa pinto ng Opisina ng aking asawa na may kina-katakutan ito. Limang taon na nag tra-trabaho si Cathy bilang secretary ng aking asawa. Mabait ito at kasundo rin ito ni Rhea. Kay Cathy din nag u-update at tanong si Rhea kong ano ang ginagawa ni Chase—o kaya naman gagabihin ito ng uwi lulan ng trabaho. "Anong oras ba matatapos ang Meeting?" Limang minuto na lang at sasapit na ang alas-onse ng tanghali. "Ahm." Kagat nito ang ibabang labi–hirap para dito na sagutin ang katanungan ko. "Mga 1pm siguro Mam Rhea." "Okay ka lang ba Cathy? Nanginginig ka ata," puna ko pa dito. "P-Po?" dumaplis ang malamig na pawis sa noo ng dalaga. "Ayos lang po talaga ako Mam, Rhea," Patingin-tingin na rin si Rhea sa pinto na Opisina ni Chase, gusto na niyang pumasok doon at ipag-pahingga sandali ang paa habang nag hihintay sa asawa. Piniling suotin ni Rhea ang 3 inches heels sa paa, hindi niya maipaliwanag sa sarili kong bakit niya piniling suotin iyon kahit hindi naman siya nag tatakong. Nangangalay na ang paa ni Rhea at sobrang sakit din iyon sa paa, dapat pala flatshoes na lang ang sinuot niya. "Ganun ba Cathy," dagdag ko pa. "Doon na lang ako mag hihintay sa loob ng Opisina ni Chase, sabihin mo sakaniya na nandito ako, pag dumating na siya, ha?" Hindi na masukat ang ngiti sa aking labi. Tangka sana akong aalis para iwan ito, bigla akong napa- tigil muli na may kamay na humawak sa akin. Pigil-pigil ako ngayon ni Cathy. "H-Huwag po M-Mam Rhea," ang takot na boses sa akin kaya't ako nahinto. "Huwag po kayong pumasok," kunot-noo na nag tataka man si Rhea, kong bakit pigil na pigil ako nitong papasukin. "Bakit, Cathy?" Ang mata nito, nangingiusap na tila ba may gusto siyang sabihin saakin, pero hindi niya alam kong paano sisimulan. Tagaktak na ang malamig na pawis sa noo at leeg- kulang na lang maiyak na ito na nakikipag-usap. "D-Dito niyo lang po hintayin si, Sir Chase." binitawan nito ang kamay na, napapaso na hawakan ako.. "Pasensya na Cathy, hindi kita mapag- bibigyan ngayon,"saad ko pa. "Napaka- sakit na kasi ng mga paa ko, hindi ko na kayang hintayin pa si Chase ng matagal dito sa labas," "Pasensiya na din po Mam Rhea," nag vow ito sa harapan ko tanda ng pag-galang. Iniisip niya siguro na papagalitan ako ni Chase kapag pumasok ako sa office nito ng walang pahintulot. Alam din kasi ni Cathy ang nangyayari saaming dalawa ni Chase, paminsan nga saksi din ito sa tuwing nagagalit at pinag tatabuyan ako ni Chase palabas ng kaniyang Opisina. Nag lakad na si Rhea, papasok sa Opisina nito, sabik na siyang makita kahit ilang sandali lamang si Chase. Ang pag hatid ng pag-kain ang naging tulay para makita niya ito. Hinawakan na ni Rhea ang doorknob at tinulak iyon pabukas---na may ngiti sa kaniyang labi. Ang matamis na ngiti sa labi ni Rhea, biglang nag laho at napalitan ng kirot at sakit sa aking nakita. Nakita ko si Chase na naka- upo sa swivel chair at may naka-kandong na maputing babae at nag hahalikan sila pareho. Naka-suot ng pulang bestida ang babae at mahaba ang buhok nito-hindi gaanong makita ni Rhea kong sino iyon dahil naka-talikod ito. "ahh, s**t!" unggol nila pareho. "f****d. s**t! Go on babe" unggol ng aking asawa. Hinapit at hinawakan nito ang babae sa baywang, para idiin pa lalo ito sa kanyang katawan. "Ahh!" Unggol ng babae na tila ba sarap na sarap sa pag papaligaya ng aking asawa. Kusa akong napa- atras nang pag hakbang ng paa at uminit na ang sulok ng mata sa labis na sakit ng puso ko. Nabitawan ni Rhea ang hawak na paper-bag na mag-paagaw sakanila ng atensyon. "The f****d!" Iritadong tinig ni Chase at kusa silang napa-bitaw sa pag-hahalikan na dalawa. Hinahanap ni Chase kong saan nag-mumula ang tunog at nag tama ang aming mga mata. Lalo pang nasaksihan si Rhea dahil walang bahid na emosyon ang mga mata nito. Tinignan ko kong sino naka-kandong sa aking asawa at nanigas ang katawan ni Rhea ng makilala kong sino iyon. Kundi si Claire. Ang ex-girlfriend ng asawa ko. Hindi na namalayan ni Rhea na umaagos na ang luha sa mga mata. Bakit? Bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD