Chapter 8

3509 Words
Chapter 8 RHEA'S POV Nabitawan ko ang dala kong paper bag na sanhi na maka- gawa Iyon ng ingay, na napatigil sila sa ginagawa. "The f**k!" Matinis na mura ni Chase. Ginala nito ang tingin para hanapin kong saan nag mumula ang tunog, nanigas ang katawan nito na mag-tama ang aming mata. "R-Rhea?" Bakas ang gulat sa mata nito at tinulak paalis sa kandungan nito si Claire. Huli na ang lahat. Nakita ko lahat kong pano nila ako traydorin at lokohin. Nakita ko, kong paano nila ako pinaikot. Patuloy lamang lumalandas ang luha sa aking mga mata sa sakit na nararamdaman ko. Bakit nagagawa nila sa akin ito? Ano bang nagagawa kong pag kakamali? Bakit sinasaktan niyo ako ng ganito? Bumaling ang tingin ko kay Claire na naka- tayo sa isang tabi, at sumilay ang nakaka-lokong ngiti sa labi nito na nang-iinsulto pa. kinuyom ni Rhea ang kamao at umapaw na ang galit sa puso sa aking mga nasaksihan. "Mga hayop kayo!" sinugod ko si Claire at buong lakas na sinampal. "Ang landi landi mong hayop ka!" bago paman ito maka-ganti sa akin, hinila ko ang mahaba niyang buhok. "B-Bitawan mo ang buhok ko, you freak!" Patuloy itong nag pupumiglas para maka- wala sa aking mga kamay. "Ahh! f**k!" Napa-unggol na rin sa sakit si Rhea, na gumanti rin na pag kakasabunot sa akin. Tiniis na lang ni Rhea ang sakit, na may natanggal na buhok sa higpit na pag kahila nito. "A-Ano ba! Aray! Nasasaktan ako,Rhea." Hindi nakuntento si Rhea-mag kabilang beses ko itong sinasampal kasabay ang hindi ko pa rin pag-bitaw sa buhok nito. Mangiyak-ngiyak na sa sakit si Claire, sa sunod-sunod kong pag-atake dito. Dapat lang sakaniya ito! Dahil inahas niya ang asawa ko. Agawin at kunin niya na saakin lahat-lahat. Huwag lang ang anak at asawa ko! Handa akong makipag p*****n sa sinumang mag tatangkang umagaw sa asawa ko. "Nasasaktan ka?!" Malakas kong asik at tinignan ko ang kanyang mukha na hindi na maipinta. "Dapat lang ito sa'yo! Hindi mo ba alam kong bakit? Dahil mang-aagaw ka! Malandi! Makati!" Gumuhit sa mata ni Claire ang sakit at kirot sa pag sabunot ko, pero mas nagigibabaw pa doon ang inis at galit na nararamdaman niya sa akin,na hindi maka-ganti. "Don't fool yourself Rhea," matapang nitong turan. "Oo. Mang aagaw, malandi at makati ako!" umaapoy na ang mata nito sa galit. "Eh anong tawag sa isang kagaya mo?" insulto itong nag parinig. "Isang ahas at mang aagaw? Huwag mo ng lokohin pa ang sarili mo Rhea, dahil kong tutuosin ikaw saating dalawa ang may malaking pag kakamali! Bakit anong tingin mo sa sarili mo anghel? Eh isa ka lang naman malandi at pokpok sa club, tama ba ako?" pag puputol nito, "Ano bang pinag mamalaki mo Rhea? Eh hindi kana man virgin ng maangkin ka ni Chase! Pinaako mo pa sakaniya ang anak mo, para kaawaan ka niya! How pity of you." Wala siyang alam sa mga nangyari sa akin noon! Wala siyang alam sa pag hihirap na naranasan ko sa puder ni Chase. Wala syang alam! "Napaka-hayop mo talaga. Papatayin kita!" singhal ko pa. Kinalmot sa mukha at buong gigil na hinila ang buhok ni Claire, kaya't napa-hiyaw ito sa sakit. "A-Aray!" "f****d! That's enough!" Parang papel lamang kami pinag-bitaw ni Chase. Gulong-gulo ang buhok ni Claire at may bakas rin itong sugat at kalmot ko, na tanda ng marahas kong pag-sugod dito. Tumabi si Claire at parang maamong tuta na nawala ang tapang nito. "No! I won't stop! Papatayin ko talaga ang babaeng iyan,Chase!" Susugudin ko muli si Claire ngunit, hinuli ni Chase ang aking pulsuhan at hinila, kaya't tumama ang katawan ko sa aking asawa. Tinaga ang puso ni Rhea sa sakit ng makita ang walang bakas na emosyon na mga mata nito, at bahid ng iritasyon. "Enough Rhea!" Ilang beses ako napa kurap sa kaniyang sinabi. Iang beses nadurog at nawasak ang puso ko kapag naalala ang nangyari na nasaksihan ko kanina. Napakasakit nang puso ko dahil alam kong wala syang pakialam kahit masaktan at umiyak man ako sa pinag gagawa nila Claire. "L-Let go of me!" garalgal kong pagkakasabi at pilit kong binabawi ang kamay ko, ngunit hindi nito binitawan. Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito Chase? Tumingala ako para pigilan na tumulo ang nag babadyang luha sa aking mga mata. Tinignan ko si Chase na animo'y wala siyang planong bitawan ako. Napaka-bigat na ng puso at lalamunan ko sa sakit na halos hindi na ako maka hingga dahil paulit-ulit akong pinapatay sa sakit dahil sa pang loloko at pang gagago nila sa akin. Bakit ang tanga ko? Bakit ang tanga ko, at hindi ko mapansin na nag kabalikan na sila? "Enough at all of this, well you?!" Ramdam ko na naman ang pamumuong takot at pangamba saaking dibdib pero nangingibabaw pa din ang sakit ng puso ko. Ayaw kong ipakita sakaniya na mahina ako! Ayaw kong ipakita sakaniya na nasasaktan ako! Pero kahit anong pag tatago ko, hindi ko pa din mapigilan na umiyak at masaktan. Napa- daing pa ako sa sakit ng hawakan nito nang sobrang higpit ang aking pulsuhan na konting-konti na lang babaliin niya na iyon. "E-Enough?" Mapakla kong salita. Ang sakit! Ang sakit sakit na! "Sa tingin mo ba Chase, hindi ako titigil sa mga nasaksihan ko kanina? Sa tingin mo ba magiging masaya ako ng makita ko kayong nag hahalikan?" a tears came out of my eyes while saying all of those words. Sa bawat katagang sinabi ko, lahat nang iyon bumara sa puso at lalamunan ko. Ang sakit sakit na! "P*tangina Chase, huwag niyo akong gaguhin dahil hindi ako tanga!" Sa bawat sigundong lumilipas mas nararagdagan ang sakit at puot na nararamdaman ko. Kahit anong gawin kong pagpapakatatag, patuloy pa din akong nahihirapan at nasasaktan... "A-Ano may relasyon kayo nang p*tanginang babaeng iyan? M-Matagal niyo na ba akong niloloko?!" Lahat ng katagang sinabi ko, lahat ng yon bumara sa puso ko. Kahit hindi ko na iyon tanungin sakaniya, alam ko na rin naman ang sagot sa mga tanong ko. Pero gusto kong itanggi lahat ng iyon sa puso at isip ko dahil umaasa pa rin ako na mali ako at hindi ako niloloko nang asawa ko. Pinapaniwala ko ang sarili ko na mahal niya ako, at mali lahat ng mga nakita ko kanina. "Watch your manners Rhea! Huwag na huwag mo siyang iinsultuhin sa harapan ko!" Puno ng gigil at pag babanta nitong asik. "B-Bakit? Nasasaktan ka? Pinag tatanggol mo pa ang hinayupak na iyan?!" tinuro ko si Claire, na naka- tayo lamang sa isang tabi at pinag-masdan kami. "Matagal niyo na ba akong niloloko?? Kaylan pa?! Sagutin mo ako!" Tinulak ko si Chase nang malakas ngunit hindi man lang ito naapektuhan sa ginawa ko. Tangina talaga nila! Ilang segundo syang natahimik na tila na napaka- hirap sakaniya na sagutin ang aking tanong. Hindi niya din ako kayang tignan sa aking mga mata. Unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak ni Chase sa pulsuhan ko at doon naman ako naka- hanap nang tyempo na pumakawala sa pag-kakahawak niya. "I get it!" mapakla kong sambit at kasunod ang pag patak ng luha sa aking mga mata. "So matagal niyo na nga akong n-niloloko!" Umagos ang luha sa mata ni Lea. "Walangya ka! Sana pinatay mo na lang ako kaysa gaguhin mo ako nang ganito. Napaka hayop mo! Napaka hayop n-niyo! Ahhh!" Patuloy ko si Chase pinag susuntok habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata. Hindi na ako maka- kita dahil nanlabo na ang aking paningin dahil sa walang humpay na pag iyak. Ayaw ko na. "I hate you! I really hate yo-" napa singhap ako ng hulihin niya muli ang aking pulsuhan at hilahin palapit sakaniya. A tears came out of my eyes again. "Could you please stop this drama well you? Umalis kana sa Opisina ko, at baka hindi ako makapag pigil na ipa-kaladkad kita palabas!" Nagulantang ako sa banta nito. Really now Chase?. "I want you to get out of my office! Now get out! Out!" Dumaongdong ang malakas nitong sigaw sa Opisina. Ilang ulit nawasak ang puso ko sa mga masasakit na narinig ko. Ramdam ko ang panginginig nang mga paa ko dahil sa sakit dahil wala siyang pakialam sakin. Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata at tinignan ko at lumapit si Chase para alalayan nito si Claire. Mapakla na lang akong ngumiti dahil mas inaalala pa nito si Claire, kaysa sa akin. Wala akong magawa kundi ang lumabas sa Opisina ni Chase habang patuloy na pumapatak ang luha sa aking mga mata. Gusto ko lang tumakbo para hindi ko maramdaman ang sakit nang puso ko. Sasabog na ang puso ko sa sakit habang hinahakbang ang aking mga paa palayo sa lugar na iyon. STILL RHEA POV "Napaka gago talaga nang asawa mo!" asik ni Jenny. "Wala siya ibang ginawa kundi ang saktan at pahirapan ka! Jusko. Namumuro na siya sa akin!" patuloy nitong mura at himutok sa isang tabi. "Hayaan mo na Jenny," inirapan niya lang ako. "Hayaan?" Asik nito. "Umiiral na naman ang pagiging mala anghel mo Rhea. Kong palagi kang ganyan, patuloy ka lang niya sasaktan at aabusin nang lintik mong asawa!" dinuro pa sa mukha ko ang french fries na hawak nito. Nandito kami ngayon kumakain ng kaibigan ko sa paborito naming fastfood na Mcdo. Sa totoo lang talaga food court o Mang Inasal sana kami kakain ngayon ni Jenny kaso mapilit siya. Sinisinggit nitopalagi sa usapan na kumain kami sa Mcdo kahit tanghaling tapat, gusto niya kasi kumain lang ng sandamakmak na french fries, dahil sa pagiging addict niya doon. Kinalaunan katambak na french fries ang inorder nito, samantala naman ako fish fillet at drinks lamang. Matapos ang nangyari kanina sa Opisina ni Chase, na mahuli na nakikipag-halikan kay Claire. Gulong-gulo na wala ng matakbuhan si Rhea, kundi ang matalik niyang kaibigan. Si Jenny ang takbuhan at sumbongan niya sa sandaling may problema o kaya naman nag-aaway silang dalawa ni Chase, "Warfreak ka din kagaya ko Rhea, pero pag dating sa asawa mo, natutupi kana. Nagiging mahina at marupok kana!" marami pa itong sinabi, mas pinili niya na lang na hindi kumibo. Hindi na ako nag salita pa dahil tama naman siya. War-freak talaga ako, no'ng college ako. May nakak away talaga akong mga estudyante at kong sino-sino pa. Balik balik din ako no'n sa Guidance dahil sa pagiging pasaway at palagi akong nakikipag-away sa ibang babae school, pero no'ng kinasal kami ni Chase, lahat nag bago. Binago ko ang sarili at ugali ko, para sakaniya. Lintik. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig na kahit ako nag bago para sa sarili ko. "Alam ko. Alam mo naman na si Chase ang kahinaan ko,diba?" sinamaan ako ng titig nito. "Lintik kasing pag- ibig iyan!" Irap nito sa akin. "Bakit hindi mo na lang kasi hiwalayan ang asawa mo? Malaki naman si Andrius. Mag hanap ka ng trabaho at ipamukha mo sa lintik mong asawa, na kaya mong mabuhay na wala siya. Hindi mo kailangan ng kahit anong tulong mula sakanIya!" "Alam mo naman, na hindi ko magagawa 8yan Jenny diba?" Nilapag KO ang kutsara at tinidor sa lamesa. "Hindi ko kayang iwan si Chase, mahal na mahal ko sIya," Nag kasalubong ang kilay ng kaibigan sa sinabi ko. "Gagampanan mo na ang pagiging battered Wife, ano? Ano Lea Christine lang ang peg mo?" Umayos ito sa kina-uupuan. "Gusto mo bang maranasan na pahirapan kagaya ng pinsan ng asawa mo na si Mark. Sinasaktan niya laging ang asawa nyang si Lea? Ts." napa-buga nitong saad. "Kong patuloy ka ulit mag papaka-tanga diyan sa asawa mo Rhea, wala na akong magagawa diyan dahil desisyon mo iyan. Ang maipapayo ko lang sa'yo, bawas-bawasan mo din ang saktan at abusuhin ka ng ibang tao. Lalon-lalo na ang magaling mong asawa. Ang bobita mo naman kasi paminsan eh, matagal na kitang pinapayuhan sa asawa mo, heto't para kang linta na naka-kapit sakaniya." yumuko si Rhea at hindi na lang umimik. Nang mapansin ni Jenny ang pananahimik ko, naging malumanay ang paraan ng pananalita nito. "Sorry, kong nadadala ako sa emosyon tungkol sa sinabi mo. Naiinis lang kasi ako eh," anito. "Hindi sa lahat ng pag kakataon, hahayaan mo na lang na api-apihin ka na lang nila, Rhea. Kailangan mo din Rhea na maging matatag, at wag mong hayaan na apak-apakan ka lang." Sinusunod at pinakikinggan ko naman ang mga payo niya sa akin kahit paulit-ulit niya ako sinesermonan sa mga katangahan at kagagahan ko sa asawa ko. Nandiyan parati si Jenny sa panahon na nahihirapan na ako, pinapalakas niya ang loob ko, na kahit napaka- tanga at martyr na ako sa asawa ko. "Kailangan mong mag pakatatag ngayon, para sainyo ni Andrius. Paminsan kasi mas matapang at demanding pa paminsan ang kabit kaysa sa tunay na asawa." Anito at nginu-nguya nito ang fries. Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa asawa ko. hinding-hindi ko hahayaan na kunin at agawin lahat iyon sa akin ni Claire. "Speaking of that b***h!" parinig na tugon ni Jenny. Naagaw ang atensyon ni Rhea, na naka-tingin ang kaibigan sa labas na para bang may tini-tignan doon. Mula sa labas ng aming kinakainan. May tatlong babae na maganda ang kanilang kasuotan, para sa ibang normal lamang iyon na mag-kakaibigan na nag ku-kwentuhan at namamasyal. Isa sa mga babae, ay si Claire--na pumasok sa restaurant kong saaan sila kumakain ngayon ng kaibigan. "Ts, hanggang ngayon nag sipag-kalat pa din ang ahas at mang- aagaw dito sa syudad. May atraso pa ang Claire na iyan sa akin, dahil muntik kana niyang sagasaan kaya," himutok na bulong ng aking kaibigan. Hindi maalis ang mtalim na titig ni Jenny dito. "Ano resbakan na natin Rhea, habang wala yong asawa m-" hindi ko na siya pinatapos dahil mabilis akong tumayo sa aking kina-uupuan, na kina-bigla naman ni Jenny. "Oh bakit?" Hindi na kumibo pa si Rhea at at hinakbang ang paa palabas ng naturang pasilidad. "Hoy, saan ka pupunta Rhea? Rhea?" pag tawag sa akin ni Jenny ngunit hindi na nilingon pa ito ni Rhea. Naging matalim ang mata ni Rhea, at may plano na namuo sa kaniyang isipan. ****** "Kong alam niyo lang girls, kong ano ang reaksyon nya ng maabutan ni Rhea kami ni Chase na nag hahalikan, It was so hilarious." natatawang kinu-kwento ni Claire ang kaganapan na nangyari. Sinang-ayunan naman kaagad siya ng mga kaibigan. "Nakaka- awa si Rhea, umiiyak at nag-mamakaawa na kay Chase, para siya lang ang piliin. Ngayon alam niya na ang pakiramdam kong paano ang inagawan." umayos sa kina-uupuan si Claire, kaharap ang dalawang matalik niyang kaibigan. "Haha dapat lang talaga sakaniya iyon, Claire. Biruin mong kapatid na ang turing mo sakaniya tapos sa bandang huli, susulutin niya lang ang boyfriend mo. Ang kapal naman talaga ng mukha ng babaeng iyon," sabi pa ng blonding babae, "Yea, tama si Joy. Pahirapan mo si Rhea. Ipatikim mo sakaniya kong paano magalit ang isang Claire Montemayor," dumagdag pa ang tapang sa sarili ni Claire sa mga pinag-sasabi ng mga kaibigan. Matagal niya ng pinag-planuhan ito, hanggang sa pag balik sa Pinas at bawiin ang lalaking mahal ko. Marami nang kinuha sa akin si Rhea, at hindi ko hahayaan na maging masaya siya. Nag tatawanan lang sila na mag-kakaibigan-bigla silang nahinto sa pag-uusap nang may huminto sa gilid nila na tao. "Oh my gos---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Joy, na makilala namin kong sino iyon. Walang-iba kundi si Rhea. Lahat sila nahinto- nabalutan ng akward atmosphere ng dumating ito. Ang matatalak na mga kaibigan ni Claire, naging maamong tuta. Ang gagaling! "Kong may plano kayong pag tsimisan at pag- usapan ako. Siniguro niyo muna na hindi ko, kayo maririnig," gustong matawa ni Claire, sa pagiging matapang ni Rhea. "Sorry darling, hindi ko kasi alam na, nag pupunta sa ganitong klaseng lugar ang isang pobre at low-class na tao na kagaya mo!" banat ni Claire, tinignan ang itsura ni Rhea, mula ulo hanggang paa. Wala sa kalingkingan niya ang pangit at baduy na fashion style nito. Kahit bihisan man siyang maganda at lagyan man ng maraming alahas sa katawan, hindi mo pa rin maitatanggi na galing siya sa putik. "Ano bang klaseng suot iyan Rhea? Basura?" pang-iinsulto ko pa. Hindi pa rin ako maka get-over sa pag sabunot at kalmot niya sa akin kanina. "Ang galing no? Kahit suotan at bigyan ka ng yaman ng iyong asawa na si Chase, hindi pa din matatago ng yaman at magagandang damit kong gaano ka kababang level saamin Rhea. In short, pulubi ka pa rin!" Kasabay ng mang insultong tawanan nilang tatlo ng aking mga kaibigan. Wala kaming nakuhang reaksyon mula kay Rhea, base pa lang sa kilos at mukha nito, hindi nagustuhan ang sinabi ko. Huwag siyang magalit dahil totoo naman ang sinasabi ko "You know what? Hindi kita papatulan kong mag hahanap ka ng away Claire. Wala akong pakialam kong ano man ang sasabihin mo tungkol sa akin. Oo aaminin kong pulubi ako, na galing ako sa mahirap na pamilya. Pero, guess what? Kahit ganun ako, kasama ko sa iisang bubong ang taong pinaka mamahal mo," inis na napa-baling ng tingin si Claire kay Rhea, na may maka-hulugang ngiti. Hayop! "Papalampasin ko ang araw na ito Claire, nakaka-awa naman kong dagdagan ko pa ng sugat at kalmot ang katawan mo," naging mabigat ang pag-hingga ni Claire sa sandaling iyon. Tinago niya sa sleeves na suot ang bakas na marka, sugat na natamo niya kanina sa pag-aaway nila kanina ni Rhea. harap-harapan niya pa talagang i broadcast sa mga kaibigan ko, kong paano niya ako natalo kanina? "Nandito lang naman ako para sabihin at paalalahanin sa'yo, na layuan mo ang asawa ko Claire!" Banta pa nito. "This is a warning. Kilala mo naman siguro kong paano ako magalit, na kahit kaibigan kita, hindi kita sasantuhin!"Imbes na matakot at masindak sa banta nito---pilyo na lamang nag lalaro sa isipan ni Claire na makipag-laro dito. Ika nga, mas masarap ang bawal. Hindi ko tatantanan si Chase, manigas ka diyan Rhea. "Oh, really?" pang-iinis ko pang tinig. "I'm so sorry darling, dahil hindi ko magagawa ang pabor na hini-hinggi mo sa akin. Kasi kusang lumalapit sa akin si Chase, hindi ako lumalapit sakaniya." lumawak pa ang ngisi sa labi ni Claire,na ngayon galit na sa puntong ito si Rhea. "Dapat kasi hindi kana noon nakisawsaw pa sa relasyon namin ni Chase, para hindi ka nag hahabol ngayon sa asawa mo.. Dapat kasi binabantayan mo ang asawa mo Rhea, para hindi na siya mag hanap ng iba" Tinukod ni Claire ang siko sa lamesa, hindi inaalis ang eye contact nila ni Rhea. "Hindi mo ba alam kong bakit ayaw sa'yo ni Chase?" pang-bibitin na salita ni Claire."Ayaw niya sa'yo dahil napaka- boring mo sa kama. Sa tuwing nag sisiping kami ng asawa mo kama, pangalan ko ang inuungol nya, at hindi Ikaw Rhea!" Nnaginginig na ang katawan ni Rhea sa galit na saktan at patulan ako. Sige lang, magalit ka Rhea. Iyon ang hini-hintay ko na pumatol ka sa akin, at hindi kita uurungan. "Kaya wala dapat akong ipag paliwanag pa sa'yo Rhea, matagal na akong tapos sa'yo. At tigilan mo na din si Chase dahil kahit anong gawin mo, hinding-hindi mag babago ang pag tingin niya para sa'yo, na isa kang parang basura na pinag sawaan at nilaspag ka ng mga lalaki na costumer mo sa clu----" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Mabilis na kinuha ni Rhea ang naka-patong na coffee sa table namin at walang ano-ano sinaboy iyon sa aking mukha. "Ahhh! f**k!" matinis na napa-tayo sa kina-upuan si Claire. Basang-basa na ang mukha at damit ko sa pag saboy nito sa akin. "Ano bang problema mo!?" Matinis kong sigaw, na maagaw nila ang atensyon ng mga taong naroon. "Oh ano masarap ba ang pakiramdam mo ng binuhasan kita ng kape? Tama lang iyan sa'yo para mahimasmasan ka sa mga pinag sasabi mo!" Inis na nilapag ni Rhea ang tasa ng kape sa lamesa, nag kompitensiyahan sila ng masamang titig sa bawat-isa na walang gusto mag patalo. "f**k you!" "No, f**k you!"sagot nito pabalik, Hinakbang ni Rhea ang paa palapit sa akin, na mag tuos na silang dalawa. "Sinabi ko naman sa'yo Claire, na huwag na huwag mo akong susubukan," inayos ni Rhea ang suot kong damit, at konting daplis na mantya ng kape na kumapit sa aking kasuotan. "Baka gusto mong sabihin ko sa mga taong nandidito, kong gaano ka kasama? Na inahas at nilandi ang asawa ko...Tiyak kong pag pye-pyestahan ka ng mga tao at pano na lang kong kumalat pa ang issue na ito sa social media? Diba mas maganda iyon? Para malaman kaagad ng mga tao at magulang mo, kong gaano ka kalandi," nilapit ni Rhea ang bibig sa taenga ko at binulong ang katagang iyon. Putangina talaga! "Si Claire Montemayor, ay kabit at nanira ng isang pamilya. Diba ang gandang highlights iyon sa balita? Mag vi-viral kaagad iyon Claire, gusto mo ba no'n?" Puno nang talim na tinignan ni Claire si Rhea. Gusto na siyang saktan at sabunutan. Nanaig pa din ang takot sa puso ni Claire ang banta nito. Ang galing mong makipag-laro Rhea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD