Kumunot ang noo ko nang may napansin akong isang parang magandang papel sa naka-usli sa isang maliit na mail box ng cabin ko. Iginala ko ang paningin ko sa paligid pero wala akong nakitang ibang tao. Hindi rin naman kasi halos nakikita ang kung sino at ano ang mukha ng mga nakatira sa ibang cabin dahil hindi naman sobrang lapit ng mga ito sa isa't isa. "Ano 'yan? May ilang araw na kaming narito pero ngayon pa lang nagkalaman ang mail box na ito eh." Saad ko sa sarili at saka nilapitan ang mail box na nasa may entrance way ng cabin. Namangha ako nang mapagtanto ang hindi basta-bastang papel na ginamit dito. "Invitation?" Agad kong binuksan ang papel at tiningnan ang kung ano ang laman nito pagkasara ko ng pinto ng cabin ko. "Para saan ang invitation na 'to? Wala namang nakalagay kung par