"Hindi ka pwedeng mawala sa birthday ko." Natawa ako ng mahina dahil sa tono ni Tatti. "Kailan ba ako nawala sa brithday mo kung nagkataon naman na nandito ako sa Pilipinas? I was never absent, Tatti," sagot ko sa kaniya. "Rei?" Lumingon ako nang may humaplos sa balikat ko at nakita ko ang lalake na kasayaw ko kanina. Naningkit ang mga mata ko dahil hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito rito malapit sa akin. "Yes?" "Can we dance?" Tumaas ang kilay ko at parang nanigas ang leeg ko na napatingin sa dalawa kong kaibigan. They were both giving me a questioning look that made me look back at the man who's waiting for my answer. "I am sorry but I don't feel like dancing at the moment," diretsong sabi ko sa kaniya. "Do you want some drink?" "I have mine." Itinaas nito ang hawa