"Can you just give it a shot?" I sighed and stopped. I looked at him and smiled bitterly. How can he act like this in front of me? Ganito ka ba kamanhid Kristian? "Can you just stay away from me? Kristian I am professional as you are. Please, I have my reasons why I don't want to be in the same situation before. As much as possible, I don't want to be in that routine again." Diretso kong sabi sa kaniya. Gusto kong mag-enjoy kaya ako nagpunta sa bar na 'to tapos ito lang ang madadatnan ko rito. Habang humahakbang ako palayo sa kanya ay ramdam na ramdam ko ang tila pagkadurog ng dibdib ko. Pero anong magagawa ko? Kailangan kong panindigan ang ginawa ko dahil iyon ang tama. Akmang bubuksan ko ang sasakyan ko nang bigla na lang s'yang nasa harapan ko na at seryosong nakatingin sa 'kin