"Hey!" Malaki nag ngisi kong tiningnan si Kristian nang bigla na lamang n'ya akong hablutin pagkababa ko nang pagkababa ko ng jet ski. 'Why were you that competitive?" Natawa ako ng mahina dahil sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung nagagalit ba s'ya o ano pero mukhang hindi naman. He's more like pissed because of my condition. "What? I won! So take your hand off me, Kristian Llorin," asar ko sa kaniya pero mas hinapit n'ya lang ang bewang ko kaya ngayon ay nakadikit ang buong katawan ko sa kaniya. Hindi ko tinanggal ang ngisi ko kaya matulis n'ya akong tiningnan. Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg n'ya at inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Hindi ko alam kung may ibang tao ba rito kung mayroon man, ano na man? "Do you think I accepted your dare?"asar na sambit n'ya kaya naitula