"Are you really not going to stay away from me?" Muntik na akong mapahalakhak ng malakas dahil sa galit na sumisilay sa mukha at mga mata ni Daddy. "Daddy, ano ba ang inasahan mo na stay away? Aalis ako? Lalayo? I've been doing that my whole life. I have given you enough time and this time , it is mine now." Matigas kong saad at kumibot ang ngusop ng matanda dahil sa inis at galit. "You are not getting anything from me." Tumaas ang kilay ko sa sinabi n'ya. Kanina sa opisina ay pinuntahan n'ya ako sa opisina ni Kuya at ngayon naman dito sa bahay ay hinarang n'ya ako para lang sabihin na wala akong makukuha mula sa kaniya. "Dad, are you okay?" Nakangising tanong ko sa kaniya. "What?" "Because you have forgotten that for all of these things, I am the righteous owner. Sa akin ang laha