"Marriam is waiting at the bar." Agad na sabi ni Tatti nang makapasok ako sa sasakyan n'ya. 7:00 pm sharp ay nasa tapat na talaga s'ya ng bahay para sunduin ako. This girl, she doesn't know what it feels like to be late because she's always on time. "You could've at least let me eat, you know." Inirapan ko s'ya. At dahil nga nakatulog ulit ako ng hapon ay nahuli ako ng gising kaya ngayon ay nilalabas ko ang make-up kit habang naka-upo sa shotgun seat ng sasakyan n'ya dahil hindi man lang ako nakapag-ayos. "And you are even doing your make up in here," sabat naman nito nang lingunin ako nito. "Nakatulog ulit ako pagkaalis ni kuya kanina kaya 30 minutes before 7 pm na ako nagising. Hindi mo man lang ako hinayaang makakain muna, napakahayop mo talaga." "Shut up, Amorie. Alam nati