Tahimik at busy ako na nakaharap sa cellphone ko habang maingay naman ang mga nasa paligid ko. Everyone was in awe and was so amazed with what they were watching at this huge monitor in front. "Bakit kaya wala nang bagong video si Kristian 'no? Updated naman ang mga posts n'ya sa facegram pero wala na s'yang bagong upload na video." Napatingin ako sa babae na sa tingin ko ay mas bata sa akin habang malungkot na sinasabi ang mga salitang 'yon. That was the video I was watching when I went home, when I was taking a bath. So, there was no other video after that? Hindi na rin ako nag-check pa sa channel n'ya. I don't want to watch it again. "Oo nga, s'ya lang kaya ang pinapanood ko na international vlogger. Napakagaling ng mga kuha n'ya. Ang angle sobrang perfect, ang mukha n'ya rin a