Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Kristian. Natatakot akong tanungin s'ya kung ayos lang ba s'ya dahil wala akong narinig nang kahit na tanong salita mula sa kaniya simula noong nakaharap namin si Clark. Wala s'yang imil at kahit tingnan ako ay hindi n'ya ginagawa at naiinis na talaga ako. Kung may problema s'ya sa akin pwede naman n'yang sabihin eh, hindi n'ya kailangang makikipag bingihan sa akin. Muntik ko na ngang patayin ang Clarka na iyon dahil kanina ay para akong binuhusan ng malamig na tubig noong sinabi n'ya kay Kristian na muntik na may mangyari sa amin. That he was the very first man in this island that got the chance to touch me, all of me. I saw how Kristian tried not to look at me but I also caught how his eyes changes it's emotion. But that doesn'